MAY POV
Muling nag bukas ang pintuan at sa yapak ng paang papalapit sa akin, alam kong si Denis ito. Ididilat ko na sana ang mga mata ko subalit mayroon pang isang pumasok sa loob- at alam ko rin na ang nanay niya itong nag lakas ng loob para pumunta rito. Sana naman ay hindi niya ako iwan sa nanay niya dahil natatakot pa rin ako sa babaeng ito.
Mas gusto ko pa nga ang tatay ni Denis, mabait ito at feeling ko ay ayaw niya sa akin dahil kay tita Mercy. Na under siya ng kanyang asawa kaya natatakot siya na tanggapin ako sa kanilang pamilya.
Naramdaman ko na lang din bigla ang haplos ng kamay ni Denis sa aking pisngi, "Hon, sorry ha? Pero ipag kakatiwala muna kita kay mama. I just need to go to my work. Mag reresign na rin ako at babalik tayo sa mansyon. I know you can't hear my right now dahil sa malalim ang tulog mo. Pero rest assured na ipapaliwanag ko rin ang lahat ng ito sayo kapag nagising ka na."
Nako! Parang gusto ko na lang na tuluyan ang sarili ko, yung isang minuto pa nga lang na kasama ko ang demonyang nanay niya ay hindi ko na kaya. What more pa kaya kapag kaming dalawa na lang dito. Hindi ko na kayang mag panggap na tulog ako ng ilan pang minuto kasi kumakalam na ang sikmura ko. Hinalikan pa ako sa pisngi ng asawa ko at tsaka ito muling nag salita.
"Ma, kayo na ang bahala sa asawa ko, aalis na ako," pag papaalam niya pa.
"Ingat ka Denis! Balitaan na lang kita kapag nagising na ang asawa mo."
Narinig ko na naman na nag sara ang pintuan. Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon na dalawa lang kaming dalawa ni tita Mercy dito sa loob. Feeling ko nga ay nasa impyerno ako ngayon at kaharap ko ang isang demonya na nag papanggap na mabait. Ano kaya ang pumasok sa isipan ni Denis at pumayag siya sa gustong mangyari ng nanay niya?
Habang naririnig kong papalapit ang mga yapak ng paa ni tita, mas lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba.
"Wow, I have to give you a nice... a very nice compliment dahil sa nabilog mo ng tuluyan ang ulo ng anak ko. Halos gabi gabi akong umiiyak dahil sa kalagayan niya. Alam kong hindi masasarap ang kinakain niya kasi tinitiis niyang i budget ang kakarampot na perang kinikita niya. It was your fault, May! Inilayo mo sa amin ang anak ko at malaking pera ang nawala sa amin. At hindi naman porket ikinasal kayong dalawa ay nasayo na ang huling halakhak! Well, para sabihin ko sayo, the fight is not over yet, lalo na ngayon na titira kayong ulit dalawa sa mansyon!"
Sinasabi ko na nga ba! Talagang pag papakitang tao niya lang ang lahat ng ito. Umpisa pa lang ay naamoy ko na ang malansang ugali niya. Hindi pa naman ako marunong lumaban sa kanya, at di rin ako nag sumbong ni minsan sa asawa ko kahit na grabe ang ginagawa ng mama niya sa akin.
"Titiyakin ko na gagawin kong impyerno ang buhay mo kapag tumapak ka na sa teritoryo ko. At kapag nag tangka kang mag sumbong sa asawa mo, titiyakin ko rin na mas lalo ko itong gagawing miserable. I told you before but you refused my offer, now, if you can hear me, gagawin kong 1 million ang offer ko in stead of 100 thousand para naman layuan mo ang anak ko."
Hanggang ngayon, talaga namang ayaw niya pa ring itigil ang pag tatapal ng pera sa akin kahit na napatunayan ko na sa anak niyang hindi pera ang dahilan kung bakit ko ito gustong pakisamahan... kung bakit ko siya gustong mahalin...
"Mukhang malakas nga siguro talaga ang pagkakatama mo sa sahig. Well, I would say karma na yan sayo. Consider that as a warning na hindi ka talaga para sa anak ko. Si Sarah ang para sa kanya at hindi ikaw!"
Nang matapos na siyang magsalita, bigla na lang nag ring ang kanyang cellphone at sinagot niya pa ito sa harapan ko.
"Yes, Sarah good morning din sayo! Napatawag ka?"
Hindi ko narinig ang boses ni Sarah, pero naririnig ko ang boses ni tita Mercy. At ang pinag uusapan nila ay tungkol sa muling pag babalik namin ni Denis sa mansyon nila. Proud na proud pa ngang tumatawa ang babaeng ito habang sinasabi niya sa akin kung paano niya napapa ikot ang ulo ng anak niya.
Di ko talaga masikmura ang ugali ng babaeng ito! Masyado siyang makasariling babae at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. Nang matapos na yung tawag nila, lumabas siya. Napa dilat ang mga mata ko. Napa tingin ako sa lamesa at nakita ko yung isang basket ng prutas.
Sa tingin ko ay dala ito ng demonyang step mom ko. Di naman siguro niya ako lalasunin eh. Kaya ko namang igalaw ang kamay ko para maabot yung prutas. Kahit na isang pitas lang ng ubas, maitawid ko lang ang gutom ko ay masaya na rin ako.
Di ko na kasi talaga kaya ang tunog ng sikmura ko dahil sa gutom. Feeling ko ay mas lalo akkong magkakasakit kapag di ako kumain ng kahit na ano.
Kaunti na lang, maabot ko na yung ubas, pero noong naka pitas na ako ng isa, bigla na lang nag bukas ang pintong muli. At nakita ko ulit ang nakaka takot na mukha niya, ang mukha ni tita na inosente pero nasa loob ang kulo.
Kagaya dati, punong puno pa rin ng alahas ang kanyang leeg. At yung damit niya, akala mo ay napaka importanteng okasyon ang kanyang pupuntahan. Halatang halata din sa kanyang mukha na bagong retoke na naman siya. Pati nga ang kanyang labi, parang medyo namamaga pa ito.
Iba talaga kapag may pera, kayang kaya niyang i enhance ang hitsura niya. Sana nga pati ang ugali niya ay dinamay niya na rin kasi ito ang pinaka panget sa kanya! Sobrang wrong timing ang pag dating niya rito pero mukhang wala na akong ibang choice kung di ang harapin siya.