CHAPTER 4

1006 Words
MAY POV Ang hirap ng ganito, yung literal na makikita mo ng harap harapan ang taong nag bigay sayo ng trauma. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pagkatapos kong marinig ang sinabi niya sa akin kanina, mas lalo akong natatakot ngayon. "Oh my May! I am so glad that you are finally awake, saglit lang? Let me call your husband first," sabi niya medyo natataranta pa nga siya na kinuha ang kanyang cellphone. Lumapit siya sa akin, tinatawagan na pala niya si Denis na kaagad namang sumagot sa kanya. Nang itutok sa akin ang camera, sobrang napasaya akong bigla. "Wow! I am so glad na gising ka na hon, nasa bus ako ngayon. I assume na ngayon ka lang nagising?" "Oo hon, ngayon lang ako nagising," naka ngiting sabi ko pa sa kanya. "Ano, may masakit pa ba sayo ha? Sabihinn mo na para maipatingin na natin sa doctor," sobrang dama ko ang pag aalala niya sa tono ng kanyang boses. "Wag kang mag alala kasi wala na namang masakit sa akin, medyo nagugutom lang din ako. Kailangan ko lang din sigurong mag pahinga pa para makauwi na tayo jan sa condo mo." "Sige, tsaka na natin yan problemahin. Basta ngayon, kain ka muna jan ha? Si mama ang bahala sayo. Pababa na ako hon, mag usap na lang tayo ulit mamaya," sabi ni Denis, ngumiti muna siya sa akin bago niya pinatay ang tawag. "See? At least hindi ko na kailangan na mag paliwanag sayo kung bakit ako nandito ngayon. Pero don't worry, nagpa deliver na rin ako ng pagkain para sa ating dalawa. I know na mayroon tayong alitan at hindi pag kakaunawaan pero sa ngayon, alang alang kay Denis, isantabi muna natin itong lahat. Ipapaliwanag naman niya ang lahat ng nangyari kapag naging maayos na ang karamdaman mo." Hindi niya ako kayang daanin sa mga pa simple simpleng mga ngiti niya sa akin. Pati na rin yung pekeng ugali na pina pakita niya. Subalit kaya ko namang sakyan ang pagiging peke niya sa akin. "Sorry po tita Mercy. Naabala ko pa po kayo, alam ko pong isa kayong busy na tao. So pasensya na po kayo." "Ay ano ka ba? Ayos na ayos lang sa akin kung babantayan kita rito. Eh asawa ka na ng anak ko so what choice do I have di ba? Ikaw ang pinili niya kesa kay Sarah kaya wala akong magagawa. Kung saan sasaya ang anak ko, doon ako." Halata naman sa kanya na napipilitan lang siya sa pag papakitang tao niya sa akin. Siguro dahil na rin sa nakikita niyang may sakit ako ngayon at mainit pa ang sitwasyon namin. Subalit kapag tumuntong ako sa kanyang mansyon, dito niya ilalabas ang totoo niyang ugali sa akin. Di ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya napa ngiti na lang ako. Naupo siya at nabalot ng katahimikan ang buong silid. Wala akong planong mag salita. Balak ko na maging tahimik at mag sasalita lamang ako kapag nandito na si Denis. Habang hinahantay ko ang pagkain namin, pina papak ko ang ubas sa lamesa. At ito na yung grapes na pinaka matamis na natikman ko sa buong buhay ko. Grabe, muntik na akong mapamura. Ganito ito kasarap, at di ko inaasahan na mortal ko pang kaaway ang mag bibigay nito sa akin. Dumating na ang pagkain namin. Wala naman siguro itong lason. "Are you okay to eat alone o gusto mong tulungan kita ha?" Tanong niya. Di ko nararamdaman ang sincerity sa kanyang boses at ayaw kong magka utang na loob ako sa taong ito na masyadong masama ang ugali lalo na kapag naka talikod ang kanyang anak. "Ay, ayos na po ako, kaya ko naman kumain mag isa." Nawala yung pilit na ngiti sa kanyang mukha ng tanggihan ko ang alok niyang tulong sa akin. "Wala ka pang lakas kasi kakabangon mo lang ngayon. Ibaba mo muna ang pride mo, alam kong may matinding galit ka pa ring nararamdaman sa akin kaya lang no choice ka, ako lang ang pwedeng tumulong sayo ngayon kaya take a rest at papakainin kita." Gigil na gigil ako habang pinapa kain niya ako. Bawat subo ko ay kasabay nito ng pag subo ko sa aking pride. Gusto ko lang sana na dumating na si Denis para siya na lang ang mag alaga sa akin. Kaya lang, gabi pa siya uuwi sa kanyang trabaho. Habang pinakain ako ng evil step mom ko, bigla na lamang mayroong kumatok sa pintuan. Nabuhayan ako ng dugo. Sure ako na ang asawa ko na ito. Tumayo naman si tita at siya na ang nag bukas ng pintuan. Di nawala ang ngiti ko, malakas ang kutob ko na di ako natiis ng asawa ko at bumalik siya rito kasi wala siyang tiwala sa nanay niyang salot sa buhay naming parehas. Subalit pag bukas ng pintuan, imbes na si Denis ay si Tom ang bumungad sa aming dalawa. Pwede na rin siguro ito kesa naman sa dalawa lang kami ni Tita Mercy dito sa loob. "Oh my gosh, Tom? It has been a long time, kamusta ka ha?" Tanong ni tita, kahit na naka harap siya sa best friend ng asawa ko, alam ko naman na nakangiti siya rito. Mabait na lalaki naman si Tom, siya yung may malasakit na kaibigan at siya lang ang bukod tanging tumulong sa kasal naming dalawa ni Denis. And the fact na bumisita siya rito, it means alot to me. Sobrang masaya ako sa presence niya. Habang naka titig ako sa kanya, kita ko yung pagka gulat niya. Kung naka dilat lang ako kanina nang dumating siya rito sa loob, ganitong ganito rin ang hitsura ko. "Hi tita... ahhh gusto ko lang sanang dumalaw kasi nabalitaan ko kay Denis yung nangyari kay May kaya nag half day ako sa work ko at pumunta ako kaagad dito. Buti nga at naka daan ako ng prutas para kay May." Nang natapos siyang mag salita ay napa lingon siya sa akin bigla. Pinilit ko naman na kumaway sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD