CHAPTER 5

1007 Words
MAY POV "Sakto nandito ka, lalabas lang ako saglit, Tom, ikaw na ang magpakain sa kanya." Buti naman ay nakaramdam ng hiya itong matandang babae na ito. Pagkatapos niya pang mag salita ay lumabas na siya. Pumasok na sa loob si Tom at nilapag niya ang dala niyang pagkain sa mesa. Puro prutas din ito at mayroon ding ubas. Naupo siya at napa tingin siya sa akin, "So, kamusta ka na rito? Ayos na ba kayo ni tita Mercy? Kasi di naman siguro siya dadalaw rito kung di pa kayo okay, di ba?" tanong niya. "Ayos? Malabong mangyari yan, di na kami mag aayos. Actually, mabuti na nga lang at nag punta ka rito kasi hindi ko talaga kaya na makisama sa isang kagaya niya. Sobrang hirap kapag dalawa lang kaming dalawa rito. Sobrang puno ng negative energy," sagot ko, di naman ako ipapahiya ni Tom at di naman siya yung tao na mag susumbong sa tita niya kahit na maayos ang pakikisama nito sa kanya. "Eh bakit siya nandito?" "Gusto niyang makipag ayos sa anak niya at ewan ko ba dito kay Denis. Hindi ko lang talaga gusto na bumalik sa bahay ng kanyang nanay. Talagang hindi ito nakakatuwa, akala ko ay di na kami babalik sa kanila. Kaya lang, di niya matiis ang pamilya niya." "Eh sa bibig mo na rin nanggaling na pamilya sila di ba? Kaya malamang, talagang di niya yun matitiis. Lalo na ang tatay niya, mahal na mahal kaya niya yun. Kahit noon pang collegr kami, kapag nagka sakit ang tatay niya, talaga namang aabsent siya sa school namin para lang bantayan ang tatay niya. I mean, kahit naman siguro ikaw, kung nasa kalagayan ka ng asawa mo, di mo rin naman siguro magagawang matiis ang parents mo di ba?" "Pero-" Tatapusin ko pa lang sana ang pag sasalita ko ng biglang mag bukas ang pintuan at dumating sa loob si tita Mercy. "Sorry, may tinawagan lang ako saglit sa labas. Anyway, naka tanggap ako ng text message galing kay Denis at sinabi niya sa akin na nag file na siya ng immediate resignation which only means na lilipat na siya ulit sa company ng papa niya," saad pa niya. Nag tinginan kaming dalawa ni Tom, pinilit ko siyang ngitian kahit na di talaga ako natutuwa sa mga nangyayari. Masakit lang din tanggapin na pag na discharge ako dito sa hospital ay babalik na ako sa mansyon. Lalo na sa narinig ko sa bruhang ito kanina, talagang di ko ma gugustuhin na umuwi doon. "Nabanggit niya po ba kung anong oras siya uuwi?" Tanong ko. "Oh bakit? Di ba ikaw ang kasama niya sa bahay? So dapat ikaw ang nakaka alam niyan," sagot sa akin ni tita. Medyo nabara niya ako sa part na yun pero ayos lang kasi sanay na sanay na ako sa lag uugali niyang ito. But ito na rin ang last question ko sa kanya. 3 pm, pumunta na ang doctos sa loob at tinanong niya pa ako kung ano ang masakit sa akin o baka mayroon pa akong ibang nararamdaman. Kahit gusto ko siyang lokohin para mag tagal ako dito sa hospital, di pwede dahil na rin sa mas mapapa mahal pa ang pag i stay ko dito. At ayaw kong mag stay kasi natatakot din ako sa loob ng hospital. And this time, pag alis ng doctor, bigla na lang ulit nag salita si Tom. "Oh siya, kailangan ko na rin pa lang umuwi ngayong araw. Medyo napa tagal lang ako, it was really a good thing na lalabas ka na ng hospital. Bibisita na lang ako ulit sa inyo sa mansyon sa susunod na araw." "Salamat, Tom, sa pag aalaga mo sa akin kahit na wala ngayon si Denis. Makaka asa ka na makaka rating itong kabutihan mo kay Denis." Napa kamot pa siya sa kanyang ulo na parang nahihiya pa siya. "Ay ano ka ba? Kahit wag na sana, ayos lang naman ako hehehe... Malaki din kasi ang utang na loob ko sa kanya kaya maliit na bagay lang ito." Mag sasalita pa sana ako kaya lang sumingit naman bigla si tita Mercy. "Mabuti ka pa nga, Tom, marunong kang tumanaw ng utang na loob kahit papaano. Hindi kagaya ng ibang mga tao jan, na kahit nagawan mo ng kabutihan, di man lang makapag thank you sa akin." Alam ko na ako ang pinariringgan niya. Marunong naman akong magpa salamat sa ibang tao, lalo na kung talagang malaki ang naitulong nila sa akin. Kaya lang, itong si tita Mercy, wala akong kahit na isang maisip na magandang ginawa niya sa akin bukod sa pinakain niya ako na halatang napipilitan lang siya. "Sige na, Tom, pwede ka nang umuwi, ako na ang bahala rito. Alam ko naman na busy ka ring tao." Ngumiti siya at lumingon kay tita Mercy. "Salamat din po sa inyo, tita, mauna na po ako ha? Kayo na ang bahala dito." "Thank you din, Tom, alam kong may ginagawa ka rin. Paki kamusta naman ako sa parents mo at sabihin mo sa kanila na dumalaw sa mansyon namin. Welcome na welcome pa rin sila doon. Na miss ko silang kainuman. Na miss ko silang kausap, lalo na si kumare. At tandaan niyo, malapit na ang birthday ni Denis at ngayon na nagka ayos na kaming dalawa, gagawin naming bongga ang celebration niya." "Noted po Tita, wag kayong mag alala kasi pupunta naman kaming lahat sa birthday party niya." Umalis na si Tom sa loob at natahimik naman ako. Di ko talaga gustong makasama dito si tita kaya muli na lang akong tumahimik. Di ko gusto na mag bitaw kahit na isang salita, baka mapa sama ako ulit nito. "Ano? Talagang hindi mo ba ako gustong kausapin? Wag kang mag alala, hindi naman ikaw ang gusto kong patamaan kanina. In reality, I have to admit na wala akong nagawang tama sa buhay mo. But I am here to break that, para mabura din sayo ang pagiging kontrabida ko sa buhay mo. Siya nga pala, sumasagi na ba sayo ang pag aanak?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD