CHAPTER 6

1005 Words
DENIS POV 6 pm ng gabi, pabalik na rin ako sa wakas sa hospital dala ang donut at prutas na pasalubong ko sa asawa ko, medyo mainit nga ang ulo ni sir Gon kanina sa akin nang mag file ako ng immediate resignation, and I know na marami siyang sinasabi sa akin kasi hindi naman talaga ako tumagal ng isang buwan at marami pa akong mga pending na trabaho. Sobrang saya ko na nagising na si May pagkatapos ng ilang araw. Sana ay pwede na siyang ilabas ngayon, di ko talaga siya gustong nasa hospital kasi alam kong takot siya sa ganitong lugar. At mas lalo akong nag aalala kasi silang dalawa ang magkasama ni mama. Hindi ko alam kung bumisita si Tom kasi nag seen lang siya ng message ko sa kanya kanina. That man is also a busy person pero di ako nag tatampo sa kanya. Dahil na rin sa tindi ng trapik ngayonng araw, isang oras din mahigit ang ibinyahe ko. Pag pasok ko sa hospital, naka salubong ko si Doc Chavez. Siya ang doctor ng asawa ko. Mukha namang namukhaan niya ako kasi ngumiti siya. Chance ko na ito para tanungin ang kalagayan nga asawa ko. "Good evening doc, kamusta na po ang asawa ko? Pwede na ba siyang lumabas?" nag aalalang tanong ko sa kanya. Napa ngiti siya sa akin, "Wala kang dapat na ikabahala kasi maayos na ang kalagayan ng asawa mo ngayon. Okay na ang kanyang vital signs at wala na siyang nararamdamang sakit sa kanyang katawan so pwede na siyang i discharge ngayong gabi. But I suggest, wag mo muna siyang pagurin para mas lalong bumilis ang kanyang recovery." Sobrang saya ko nang sabihin niya ito sa akin. Mabuti naman at maayos na ang kalagayan ng asawa ko. Pumasok na ako sa kanyang kwarto at nakita kong kumakain siya ng prutas habang nasa tabi niya si mama. Parehas silang napa lingon sa akin at lumapit ako sa kanila. "Buti naman at umuwi ka na, kanina ka pa namin hinihintay rito," sabi ni mama. "Pwede nang umuwi ang asawa mo ngayon sabi ng doctor niya. Eh kita mo naman di ba, kahit na wala ka, heto ako at binabantayan ko pa rin ang asawa mo kahit na may importanteng ginagawa ako." Niyakap ko pa rin si mama bilang pasasalamat sa kanya, "Sorry na kung di kita nagawang pagkatiwalaan. Sana ay talagang nag bago ka na kasi gusto lang namin ng asawa ko ng tahimik na buhay ngayon. Hindi ko talaga gugustuhin na maging magulo pa ang buhay ko. At sana lang din ay di na magpa kita pa sa akin si Sarah. Malapit na ang birthday ko, kahit sana payapang buhay lang ang maging regalo ninyo sa akin, masaya na ako." "Don't worry, di na ako manggugulo sa inyo at pinapangako ko ito, anak! Basta ang tanging hiling ko lang ay bumalik na kayong dalawa sa mansyon." "Sige ma, baka pwede niyo muna kaming iwanan dito ng asawa ko? Gusto ko lang sana siyang kausapin tungkol dito eh. Ayaw ko kasi na mabibigla siya sa mga desisyon ko. Tatawagin ko na lang kayo mamaya kapag tapos na kaming mag usap ng masinsinan." Sumunod naman kaagad sa akin si mama. Lumabas na siya at ni lock ko muna ang pintuan. Ayaw ko lang na marinig niya ang usapan naming dalawa ng asawa ko. Napa tingin akong muli kay May, sa mga titig niya pa lang sa akin, alam kong hindi na siya nasisiyahan sa mga nangyayari. Kahit ako, di ko siya kayang makitang ganito kaya lang aminado akong nahihirapan kaming dalawa. Hindi ko pa kayang mag solo kami, di ko kaya na mabuhay kaming dalawa ng parehas kaming isang kahig at isang tuka. Hindi ito ang buhay na pina ngarap ko sa aming dalawa. "Oh ano ang pag uusapan natin ngayon ha?" seryosong tanong niya na nag pabigat lalo sa akin. Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko, "Hon, sobrang sorry kung nabigla ka sa lahat ng nangyayari. But trust me, wala akong ideya na mag pupunta dito si Mama. Nagkataon kasi na ang hospital na ito ay pag mamay ari ni tito, so wag mo sanang isipin na sinadya ko ang mga nangyari." "Naiintindihan kita, Denis, hindi naman talaga madali yung sitwasyon nating dalawa. Sa sobrang yaman ng pamilya mo, hindi na yata tayo makakapag tago pa. Kaya lang, kinakaya nating mag solo di ba? Kahit na di marangya ang buhay na napili natin, magkasama pa rin tayo at tahimik na nabubuhay sa condo mo. Sobrang priceless na nun sa akin. Kaya bakit pa natin kinakailangang bumalik sa mansyon mo?" "Gusto mong malaman yung totoo? Well, sa toto lang, nahihirapan na ako sa ganitong klase ng sitwasyon. Ang hirap panindigan ng ganitong sitwasyon. Asawa mo ako pero sobrang nagi guilty ako na di kita nabibigyan ng magandang buhay. Di ko kaya yung titipirin natin ang ulam natin para lang mag kasya sa isang araw." "Sanay naman ako sa hirap eh. Sanay ako sa buhay na isang kahig isang tuka, di ako nag rereklamo kung ano ang pag kain na ihahain mo sa lamesa. Basta magkasama lang tayo, wala na akong reklamo pa." "Hon, let us not romanticize poverty. Kapag naka balik na ako sa company ni Dad, mas magiging maganda na ang buhay natin. Punta tayo ng iba't ibang lugar. Singapore, Indonesia, Thailand, Japan, China, you name it, pwede na tayong makapag bakasyon ng walang iniintinding problema. Please hon, ako ang bahala kay mama, pina pangako ko sayo na hindi na siya mang gugulo sa atin. At si Sarah, wala na siya, hindi na siya mag paparamdam pa sa atin kaya di ka na dapat matakot. And besides, kasal na tayong dalawa kaya di na niya ako kayang agawin sayo. Sure ako na alam niya rin ang tungkol dito so I hope you consider my words." Napa buntong hininga siya ng malalim, parang di niya pa rin matanggap yung mga nangyayari. Ayaw kong mag away kaming dalawa kaya lang di ko na talaga gusto yung ganitong klaseng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD