CHAPTER 7

1034 Words
MAY POV Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang mga narinig mula sa bibig ng kanyang nanay kaya lang ay sobrang nababalot na ako ng takot sa mga sandaling ito. Baka naki kinig ang bruha na yun sa labas, pag nagkataon ay magiging malaking gulo pa ito. Pero kasama ko naman si Denis at alam kong di niya ako papa bayaan. Kesa naman sa mag away kaming dalawa, wala akong choice kung di ang pumayag sa gustong mangyari ni Denis. Tama rin ang sinabi ni Tom kanina, di rin magagawang talikuran ni Denis ang sarili niyang pamilya kahit na ipinag tanggol niya ako sa nanay niyang bruha. "Sige, pwede na naman daw akong i discharge sabi ng doctor." Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos kong mag salita, "Maraming salamat sayo hon! Pramis ko sayo, magiging masagana na ulit ang buhay nating dalawa. Hindi ko hahayaan na bumalik tayong dalawa sa hirap." Ang tamis ng halik niya sa akin, ganito rin ang kanyang mga salita. Kaya sobrang thankful lang din ako na pina paramdam sa akin ni Denis na mahal na mahal niya ako. Physical language talaga ng pag mamahal niya ay yung kiss niya sa noo ko. "Yun, nice one hon! Siya nga pala, bumilo ako ng donut at prutas. Di ba paborito mo ang donuts? Nag abala talaga akong bumili nito para may makain tayo. Gusto mo ba mag arkila ako ng wheel chair pauwi?" saad niya nang maupo siya sa harapan ko. "Ay hindi, ayos lang naman sa akin. Kaya ko namang mag lakad, ulo lang ang napuruhan sa akin." "Siya nga pala, ang sabi sa akin ng doctor, you need to take a rest. Marami namang mga kasambahay sa mansyon kaya sila nalang ang utusan mo. Mag ala buhay prinsesa ka doon kasi asawa naman kita. Basta, ayaw na ayaw kong mag ta trabaho ka, hindi ko alam ang gagawin ko kapag napahamak ka ulit eh." Wow! Ala buhay prinsesa? Parang di naman sasang ayon ang nanay niya rito na sinabi sa aking papahirapan ako kapag nag punta ako sa mansyon nila. Di ko gusto yung pananalita niya sa akin kanina, pero mag kukulong na lang ako sa kwarto ko palagi para hindi kami mag kitang dalawa. Mas gugustuhin ko pang mag basa ako ng libro kesa sa makita ko ang mukha ng nanay niya. "Basta ikaw na ang bahala sa akin ha? Eh sa totoo lang, nakaka hiya naman kasi kung di ako gagalaw sa bahay niyo eh? Mabuti sana kung kahit may isang libangan lang ako di ba?" "Libangan? Pwede kang mag swimming don kung gusto mo. May malaking tv sa kwarto, pwede kang manood ng tv at may bath tub tayo na pwede mong gamitin. There are many things na pwede mong gawin doon na di ka mabo bored. Basta, I will talk to my mom and I will tell her na wag kang pag ta trabahuhin. Para rin kung saka sakaling mag matigas ka, siya na mismo ang kakausap sayo." Nata meme na ako sa sinabi niya sa akin. 9 pm, umalis na kami sa hospital. Nakapag lakad naman ako pero inalalayan pa rin ako ng asawa ko. Naka upo ako sa likuran, samantalang ang mama niya, nasa harap. Nag da drive si Denis at habang naka tingin ako sa labas, nakikinig ako sa usapan nilang mag ina. "So ma? Kamusta na po pala ang company?" "So far, medyo ayos pa rin naman ang takbo ng ating company. Although may mga problems din tayong hina harap, kaya lang that is inevitable. After all, matutuwa ang tatay mo kasi mayroon na siya ulit katuwang sa company. Sure ako, he is going to throw a party once you returned to the company." "Throw a party? There is no need for that, mag ta trabaho pa rin ako kahit na walang party. That is too much for me," sagot ni Denis. "But I still want to throw a party for you! Ilang weeks ka ring wala sa company natin. Anak ka ng president ng company and your return shall be celebrated. If you want, pwede mo pang isama ang asawa mo at ipakilala mo siya sa lahat ng mga employees natin. Sayang kasi, baka isipin nila na single ka rin ngayon." "Of course! Pwedeng pwede ma, throw a party sa office on Monday! And tell all the employees na pumasok, I will be truly proud to introduce my wife to them. Kung ako lang, I am not gonna celebrate my return but with my wife, it is an entire different story. Gusto ko nga sana na maging magarbo ang kasal namin and I feel so guilty na hindi ko ito naibigay sa kanya. So kahit papaano, gusto ko sanang maka bawi man lang ako." Party! Nako, sobrang mahiyaing tao pa naman ako, di ko trip yung magpapa party sila kasi ikinasal kaming dalawa ni Denis. Baka nga mamaya, yung mga employees dun, ang sama ng mga tingin sa akin lalo na kung makita nilang hindi naman ako isang kagandahang babae. Sadyang iba lang din siguro ang dating ng hitsura ko sa asawa ko. "Narinig mo yan May ha? Ako na mismo ang nag sabi sa asawa mong i celebrate ang wedding ninyong dalawa sa office ha? I mean my words, babawi talaga ako sayo para di na masama ang tingin mo sa akin." "Salamat ma! Pero sinabi pala sa akin ng doctor na pahinga ang asawa ko ha? Ayaw ko sana siyang gumawa ng kahit anong gawaing bahay, eh masipag kasi ang asawa ko. Nag linis pa naman ng sahig ng condo ko habang wala ako. Yan tuloy, bigla na lang siyang naaksidente." "Ganun talaga ang mga babae, masisipag sa gawaing bahay. But don't worry, Denis, hindi ko naman pag tatrabahuhin ang asawa mo sa bahay. As a matter of fact, mag aala buhay prinsesa pa nga siya rito kasi asawa ka na niya. How I wish na sana ay magkaroon na din kayong dalawa ng anak soon. Since anak na lang ang kukumpleto ng buhay ninyong dalawa. Para din sana magkaroon ako ng apo sayo. Aba, nasa 60 na ako and my amigas have already grand children. Alam mo naman siguro na ayaw kong napag iiwanan ako di ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD