MAY POV Minamasahe ko ngayon ang asawa ko pero malikot pa rin ang utak ko. Napa praning ako na baka pumunta rito ang mama ni Denis. Kahit pa nandito ang asawa ko, iba pa rin ang pagiging bad trip ko lalo na kapag nandito ang bruha. "Marami pa ba kayong ibang mga damit na pinamili?" tanong ng asawa ko habang minamasahe ko ang likod nya. "Saglit lang kami sa store. Mayroong nag assist sa akin na pumili ng mga susuotin ko at lumarga na kami rito kase mayroon daw ibang lakad ang mama mo. Sila kasi ang pumili ng mga dress na susuotin ko." Inikot ko ang ulo ko at hinanap ko ang mga dress ko subalit wala ang mga ito sa paligid. Nakakapag taka ang nangyari, gaano ba ako katagal na hinimatay at sino ang pumasok dito sa loob bukod sa aming dalawa. Ilang minuto pa ang nakalipas, mayroong bigl

