Akin

4989 Words

“Ganda ate mo, Eloy.” Nagbubulungan sina Eloy at ang mga kalaro nito habang nakatitig sa kanya na ngayon ay papalabas ng pinto. “Syempre, mana kay Nanay.” Ginantihan niya ng ngiti ang kapatid at ginulo ang buhok nang lumapit ito sa kanya at yumapos sa baywang niya. “Ooops…’di pwede, marurumihan damit ni Ate.” Umatras ito ngunit hindi bumitaw sa kamay niya. “Talaga bang maganda si ate?” Lumayo ito, sinipat siya mula ulo hanggang paa. “Super duper, Ate.” Hinila siya nito palabas ng bakuran kung saan naroroon si Bax at ang tatay. Parang may masinsinang pinag-uusapan. Damit pa rin ng tatay niya ang suot ni Bax. Kabado tuloy siya kung ano ang magiging reaksyon ni Baxter pagkakita sa kanya. Sinadya niya pa namang isuot ang damit na ginamit niya noong chirstmas party. Bulaklaking off-should

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD