Kanina pa nakatayo si Nina sa harapan ng gusali na pag-aari ni Baxter. Ilang beses na rin siyang pasilip-silip sa loob pero wala siyang maaninag mula sa glass door. Halos limang beses na rin niyang binalak na itulak ang pintuan pero sa bawat subok, tila naman nanlalamig ang buong katawan niya. Maraming beses na siyang humakbang papasok pero agad ding napapaurong. “Ba’t ba ang hirap.” Napabuga siya ng hangin at muling humarap sa entrada ng gym. Nagmumukha na siyang gaga na ni hindi man lang magawang ayusin ang buhok. Pasimple niya iyong sinuklay gamit ang mga daliri. Inayos niya rin ang suot na simpleng white polo blouse na pinaresan niya lang ng maong pants. Kahit paano, hindi naman siya magmumukhang gusgusin ‘pag nakaharap na si Baxter. “Baxter.” Dinaga na naman siya ng kaba nang suma

