Masasarap ang mga pagkain sa harapan nila pero hindi niya makuhang kumain. Si Baxter na nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang mesa, sumige lang sa pagsubo at ni hindi siya tinitingnan. Kanina, pagkatapos ng tagpo sa opisina nito, basta na lang ito nagmartsa palabas. Naiwan siyang nakatanga lang at nakaupo sa sofa. Kung hindi pa pumasok si Aling Paulina para alukin siya ng tanghalian, hindi pa siya titinag sa kinauupuan. “Eat,” malamig na utos ni Baxter sa kanya nang mapansin nitong hindi siya kumakain. “Kumain na kayo, Ineng.” Si Aling Paulina na ang kusang naglagay ng mga pagkain sa plato niya. Nakakaunawa siya nitong tiningnan at tinanguan, lihim na inuutusang sundin ang gusto ni Baxter. Nakakahiya rin sa mabait na matanda. Nagsimula siyang kumain. Sa unang pagsayad ng pagkain sa bib

