Lumala pa ang sitwasyon nina Kuya Jacob at Ate Aiah. Hindi na niya basta nalalapitan si Ate Aiah kung walang bantay. Nakakailang ang bawat kilos sa loob ng bahay. Kapag dinadalhan niya ng pagkain ang babae, kailangan pang suriin ng tauhan ang dala niya na para bang may gagawin siyang milagro. “Ate, maghihiwalay na ba kayo ni Kuya?” Ang tanong ay hindi na nasagot ni Ate Aiah nang bigla na lang lumitaw mula sa pintuan si Kuya Jacob. Nakamata ito sa bawat kilos niya na para bang magagawa nga niyang itakas ang ate niya. Nakakalungkot lang kung bakit kailangang umabot pa sa ganito ang dalawa. Kinabukasan din ay pasukan na ulit. Nag-aatubili siyang iwanan si Ate Aiah pero si Kuya Jacob na ang kusang nagpaalis sa kanya. Ang sikip din kasi sa pakiramdam na laging nakikita ang galit na si Kuya

