Itinulak ni Nina si Baxter palayo sa kanya. Tumagilid siya ng higa pero hindi nagpaawat ang lalaki. Sumiksik pa rin ito sa kanya at sunud-sunod ang ginawang pagdampi ng mga labi sa likod ng kanyang tainga. Nakikiliti siya pero ayaw niyang padala. Siniko niya ito pero hindi ito matinag-tinag. “Baby, I need you…” nakakikilabot nitong bulong at pagkatapos ay nilaro ng dulo ng dila ang earlobe niya. Masyadong naaabala ang isip niya na hindi niya namalayang ipinulupot na pala nito ang kaliwang braso sa katawan niya. Hinila siya nito para magdikit ang mga katawan nila. Napapaso siyang inilayo ang gawing puwitan nang bumunggo iyon sa isang matigas na bagay na parang nakahanda nang manusok. “Baxter, ano ba?!” Kulang sa pwersa ang boses niya. Pati panunulak. Her last ounce of defense was abou

