“Sweetheart o baby?” Alam naman niyang loko-loko ito pero napaawang ang bibig niya sa sinabi nito at maang na napatitig dito. Hinintay niya ang kahit katiting na senyales ng kagaguhan nito. Hayun na nga at may kasama pang kindat ang sinabi! Naningkit tuloy ang mga mata niya sa inis. Pero bago pa man siya makahuma, kusa na nitong dahan-dahang inilayo ang pagkakalapit ng mukha sa kanya. “I was just kidding, Nina.” Kidding? Ginagawa nitong biro ang mga bagay-bagay? May lahing demonyo nga at ngingisi-ngising pinulot ang mga pinamili ni Ate Aiah at iniwanan siya at sinadyang iwanan ang sinabi nitong para sa kanya. Nagpupuyos na nasundan niya ito ng titig habang naglalakad papasok ng bahay. Sweetheart. Baby. “Argh!” Sa inis niya ay ang hose ang napagbuntunan. Hinablot niya iyon at mulin

