“Delivery for Nina Guadalupe!” Natigil siya sa pagbabasa nang marinig ang pagbanggit sa pangalan niya. Delivery para sa kanya? Mula sa pagkakatungo sa aklat na binabasa, dahan-dahan siyang napalingon sa may gawing pintuan. Lahat pala ng mga kaklase niya ay natigil din sa ginagawa at pareho na sila ngayon ng tinititigan. Sa labas ng classroom, isang delivery boy na nakasuot ng uniporme ng kilalang food delivery ang nakatayo sa pintuan katabi ang isa pa niyang kaklase. “Nina, delivery raw,” pasigaw na ulit ng kaklase niya. Kinalabit pa nito ang lalaki at nakangisi siyang itinuro. Nangunot ang noon niya Wala namang ibang Nina Guadalupe sa silid na ito maliban sa kanya. Pero, baka nga galing kay Ate Aiah. Kilala ang pangalan niya. “Oi, Nina, may pa-delivery.” Naiinis siya sa pangangant

