Binabagabag si Nina ng kunsensya. Hindi mawala-wala sa utak ang nagawa niya. May kasalanan siya. Kaya, nakapagdesisyon siya, bukas o sa susunod na araw na mapapagawi dito sa bahay o sa school si Kuya Baxter, hihingi siya ng sorry. Pero hindi nangyari ang balak niya. Walang Baxter na napadaan sa bahay o nakikita sa labas ng school. Nanlumo siya. Pakiramdam niya kasi, mas lalong bumibigat ang kasalanan niya. “Baka bukas ulit,” pilt na kumbinse niya sa sarili. Ang bukas ay naging dalawang araw pa pero ganoon pa rin ang nangyayari. Nagmumukha na tuloy siyang timang na kapag uwian, madalas siyang napapatingin sa spot kung saan niya nakita noon ang binata. Ayaw man niyang aminin, nanlalata ang pakiramdam niya kapag nakikitang wala ito. Kapag nasa klase naman, madalas siyang natatanga na lan

