Namimilipit si Nina sa kinauupuan. Halos makalmot na niya ang upuan sa diin pagkakakapit niya. Pakiramdam ni Nina ay sinasampal ng malakas ang pisngi niya ng hangin na malayang nakakapasok sa nakabukas na bintana ng sports car na kinalulunana niya. Sa takot dahil sa sobrang bilis ng takbo nila ay napapapikit siya ng mariin habang iniinda ang tila paghalukay ng kanyang sikmura. “K-kuya, dahan-dahan lang po sa pagpapatakbo,” naiiyak niyang angil nang hindi na makayanan ang bilis nila. Halos hindi na siya makahinga at parang bumabaligtad na ang sikmura niya. Nangangatal pa ang mga labi niya at may namumuong pawis sa sentido niya sa kabila ng malamig na hangin na dumadampi sa balat niya. “s**t!” malakas na mura ang kumawala sa bibig nito. Humina ang takbo nila, saka pa lang din niya daha

