Panaginip

1539 Words
Gaya ng dati sabay na pumasok ng paaralan ang magkaibigan. Pat? may tanong ako. Ano yun? Nabiglang tanong nito. Kung sakali ba, gugustuhin mo din si Carlo? Malungkot na tanong nito. Ano ka ba?! Friend sayong sayo si Carlo. Sagot ni Patty na nawiweirduhan sa kaibigan. Sure ka ba? Nang-iinis na tanong nito. Hahaha! Malakas na tawa ni Patty. Nga pala, yung secret mo...safe sa akin. Wag kang mag-alala walang makaka-alam. Papikit pikit pa ito na tila nanunumpa. Lokaloka ka talaga! Pero salamat, hindi ko pa nga masabi kay Lola, nag-aalala ako na mag-alala siya, Nalulungkot sa saad ni Patty. Mayamaya ay nakarating na ang magkaibigan sa eskwelahan. Dumerecho si Patty at Karen sa kanilang classroom. Pagdating sa classroom ay luminga linga si Patty. Hoy friend okay ka lang? Tanong ni Karen. Ahh, Oo okay lang ako. Ka? Nag-aalangan tanong nito sa kaibigan. Wala yata si Joshua... Hay naku! wag mo na isipin yun, baka absent or late lang. Saad ni Karen. Baka nga, hay sana nga. Maya maya ay nadapo naman ang tingin nito kay Carlo...Nakatingin din ito sa kanya, at may pangisi ngisi pa. Ay ano ba yan!! Akala mo talagaaa... Ahmmm! Pagpaparinig ni Karen. Ano na friend? Magiging karibal talaga kita eh noh? Nag-iinarteng saad nito Kinurot ni Patty ang kaibigan. Ano ka ba! Hay! tong gag* na to, nagpapacute akala mo naman cute, sus! Palihim na natatawa at kinikilig si Patty. *** Lumipas ang tatlong araw at napansin ng magkaibigan na tila hindi pumapasok si Joshua. Pat? pansin mo ba, bakit hindi na pumapasok si Joshua? Tanong ni Karen Oo, hindi ko lang sinasabi sayo kasi nag-aalala ako, paano kung... Shhhhh! Pagpapatahimik ni Karen sa kaibigan. Wag mong iisipin yun, malamang may ibang dahilan, kasi kung dahil yun sa nangyari malamang naisumbong ka na nun. Ganyan si Karen, mabait, positive thinker,sobrang maintindihin at malawak ang pang-unawa, kaya naman noong limipat ito sa kanilang baryo, ay nakapagpalagayan na ito ng loob ni Patty at kalaunan nga ay naging matalik silang magkaibigan. Sana nga Ka, Nag-aalalang sambit ni Patty. *** Class, ito na ang list ng nakapagpasa ng kanilang proyekto last Tuesday. Tatawagin ko ang mga pangalan, ang hindi nabanggit ay sila ang hindi nakapagpasa, Pagpapaliwanag ni Ms Ana. Nagsimula na nga itong magtawag ng pangalan. Haaaaaay! Sana kasi naalala ko yan, hindi na sana ako mamumulot ng....Naputol ang sasabihin ni Patty sa kanyan isipan ng marinig ang sinabi ni Ms Ana. Magtayong...Plameras...ay si Plameras hindi na pala magpapasa ito... Maam? Pagtawag ni Patty kay Ms Ana. bakit ho hindi na makakapagpasa? Nag-aalangang tanong nito. Napatingin na din si Karen sa kanya. Ahh kasi, noong nakaraan araw nagpunta ang mga magulang niya dito. Lilipat na daw sa ibang school si Joshua. Ipapagamot ata nila sa Maynila. Pagpapaliwang ng guro. Ipapagamot? Dugtong ni Karen. Yes, ipapagamot siya. Namamaga kasi ang mga braso at kamay nito. Pagpapatuloy guro. Nanlaki ang mata ng magkaibigan. Nahiya ta nag-aalala yung mukha ni Patty. Maiiyak na sana ito pero... Wag kang mag-alala, magiging okay din siya. Bulong ng isang binata Napalingon si Patty at nagulat siya ng Makita si Carlo. Ahh! eeehh! Nag-aalangan nito sagot Inilapit ni Carlo ang mga mata kay Patty. Tinigan ito, mata sa mata, tila itoy nag-uusap, sinasabi nito na magtiwala lang sa sinasabi nito. Haa! bakit ganun? nag-uusap ang aming mga mata? Sino ka ba talaga? Ahhmmmmm! Malakas na parinig ni Karen. Dali-dali naman umalis si Carlo, dala ang ngiti sa mukha. Tinapik ni Karen ang kaibiga. Hoy! ano na? kerida ka na ba ngayon? Maarteng sabi nito. Naku! mali ka ng iniisip. Wala yun. Nahihiyang paliwanag ni Patty. Nagseselos na ako friend eh. Mangiyak-ngiyak na sabi nito. *** Nakauwi na ang magkaibigan sa kani kanilang tahanan. Apo, bakit ang lalim yata ng iniisip mo diyan. Ani ni Lola Manda Napalingon namam si Patty mula sa pagkatulala nito sa kalawakan. Wala po La-Nakangiti nitong sagot Apo, hindi mo maitatago sakin yan. Kilala kita, alam ko kung may problema at tinatago ka sakin, ano yun? Pagpapatuloy ni Lola Manda Napabuntong hininga na lang si Patty, at binaling ang tingin sa kawalan. Maya maya ay nagsalita ito. Ano po ba totoong nangyari kay inay at itay? Ano po bang totoo sa pagkatao ko? Mangiyak-ngiyak na tanong ni Patty. Nilapitan ito ni Lola Manda. Malalaman mo din apo, sa takdang araw Sagot ni Lola Manda. Kelan pa La? Kung may napahamak na dahil sakin? Pagpapatuloy ni Patty. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lola Manda at niyakap ang kanyang apo. *** Tanaw ni Patty ang kanilang kubo na di gaanong kalayo sa kinatatayuan nito. Maya-maya ay lumabas ang isang halimaw kasama ang kanyan Lola Manda. Nagsisigaw ito at galit na galit na hinahanap si Patty. Naiyak naman si Lola Manda sa takot. Maya maya ay pinagkakalmot nito si Lola Manda, winakwak ang tiyan at kinuha ang puso nito.Kitang kita ni Patty ang lahat, sisigaw na sana ito nga may humablot sa kanya, isang lalaki. Dinala siya sa masukal na bahagi ng kagubatan,hindi maaninag ni Patty ang mukha nito gawa ng nababalot ng dilim ang kagubatan. Isinandal siya ng lalaki sa may puno at inilapit ang kanyang sarili.Ang tikas ng tindig nito,bakas ang malulusog na muscle. Ramdam ni Patty ang mainit nitong hininga...unti unting nilalapit ng lalaki ang mukha nito kay Patty. Napapikit naman ang dalaga.. Patty! Apo! gising na mahuhuli ka naman sa klase. Aalis na ako at maglalako ng suman. Pukaw ni Lola Manda sa apo. Napabalikwas ang dalaga at nagmamadaling bumangon. Haaaaaaa! panaginip lang pala. Habol hiningang sambit nito. Mag-aayos na sana ang dalaga ng biglang... Lola naman eh! Sabado ngayon wala kami pasok. Ani ni Patty Ayy ganun ba? Pagpasensiyahan mo na ang Lola ha? Matanda na kaya madalas ng nakakalimot Natatawang sabi ni Lola Manda *** Nakaabang na si Karen kay Patty ng makadaan si Patty sa bahay nito. Ano friend, ang tagal mo naman, sasamahan lang kita, hindi ako ang may kailangan ng tae ng baka. Maarteng sabi nito. Sorry na, bibigyan na lang kita ng suman, dalawa naman iniwan ni Lola sakin. Malambing na sabi ni Patty. Okay sige na nga. Masayang sagot ni Karen. Tika sandali ! Sigaw ng isang binata. Nagulat ang magkaibigan. Carlo?! Sambit ng dalawa. Oo ako nga. Anong ginagawa mo dito , Tanong ni Karen, habang nagpapacute dito. Ahh ehh, bago lang kasi ako dito sa atin kaya sasama sana ako sa inyo mamumulot ng tae ng baka Pagpapaliwanag ni Carlo. Nagtataka ang dalawa at tinitigan lang si Carlo. Ahh, hindi din ako ako nakapagpasa ng proyekto ko kay Ms Ana. Pagpapatuloy ng binata. Hindi ko narinig ang pangalan mo kahapon, Sagot naman ni Karen. Ahh, hindi mo talaga maririnig kasi hindi naman ako nakapagpasa Natatawang sabi ni Carlo Friend naman, Sabi ni Patty. Hindi naman talaga nakalista pangalan ng mga nakapagpasa ng project. Eh bakit nabanggit si Joshua? Nagtatakang tanong ni Patty Kasi nga diba nailista siya may inapasa, remember nung pinasa niya yung project mo? baka hindi na nabago ni Ms Ana yung listahana niya Pagpapatuloy ni Patty. Ahhh! okay!! Maarteng sabi nito. Kinurot ang kaibigan at sinabing, ikaw ahhh. nagpapa impress ka kay Carlo. Naku may gusto ka talaga sa kanya! Mang-aagaw!!! Natatawang sabi nito. Teka Carlo, diba mayaman ka? bakit di n lang mga body guards or katulong mo ang utusan mo? bakit ikaw talaga? Tanong ni Patty. Ngunit nakakaakit na ngiti lamang ang sagot ng binata. Nakakalokang tili naman ang maririnig mo kay Karen. Nagtungo na nga sila sa lugar kung saan madaming mga baka ang pinapastol. Patty! alam kong kaibigan mo ako at kaibigan kita, kaya naman siguro mauunawaan mo kung ako na lang magbabantay sa naipon niyon tae ng baka. Maarteng sabi ni Karen. Naglakad ito papunta sa ilalim ng puno nga Narra, kung saan nakalagay ang dalawang sako na hindi pa napupuno ng tae ng baka. Ayyyyyyyyyy! Malakas na sigaw ni Karen. Nakaapak pala ito ng basang tae ng baka. Friend ! mabubuang ako dito. Ahhh!!!!! Maarte ang pagkakabigkas nito, na tila na hihiya pa kay Carlo. Nagtawan si Patty at Carlo, sabay nagkatinginan at nagpatuloy sa pagtatawanan. Hapon na nag mapuno ang dalawang sako. Masayang masaya ang tatlo na naglakad pauwi. *** Bago paman makarating ang tatlo sa bahay nila ni Karen ay nagpa-alam na ni Carlo, mauuna na daw ito sa kanila. Tumango naman ang magkaibigan bulang pagsang-ayon. Paano ba yan Pat, mauuna na ako sayo. Mag-iingat ka ha kahit pa buwesit ako sayo. Matamlay na sabi nito. Sino kaya gumawa ng eksena kanina? Nang-aasar na sabi ni Patty. Naku! kung alam mo lang talaga. Natatawang sabi ni Patty. Nakauwi na nga sina Patty at Karen sa kani kanilang bahay. Itinabi ni Patty ang pinamulot niyan tae ng baka bilang pataba upang dalhin sa eskwela. Naglinis ito ng katawan ng hapunan at nag pahinga. ...Ramdam ni Patty ang mainit nitong hininga...unti unting nilalapit ng lalaki ang mukha nito kay Patty. Napapikit naman ang dalaga.. Nagising si Patty na pawis na pawis. Bumangon ito at tinungo ang bintana, nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga at tumingin sa kawala. Sino ka ba? Mga tanong sa isipan ni Patty. Niyakap ni Patty ang kanyang sarili at pinakiramdam ang init ng kanyang katawan, nag-iinit ito ng di niya maipaliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD