Patriciaaaa!!!!!
Malakas na sigaw ng teacher ni Patty. Oo, tama Patricia a.k.a Patty ang pangalan ng ating bida.
Naku! Maam, sorry po!
Ano bang pinaggagawa mong bata ka? Lagi ka na lang tulog sa klase ko?
Nanunuod kasi ng Korean Drama yan maam, kaya niyang tapusin sa loob ng tatlong araw. Sambit ng kaibigan ni Patty na si Karen.
Hoy, ano ba pinapahamak mo ako niyan eh. Pabulong na sabi nito kay Karen.
Hahaha, kasalanan mo yan di ka sumama sa sayawan kagabi, sabi ko na manunuod tayo ng sayaw eh.
Eh kung sumbong din kaya kita?
Bakit? tulog ba ako,huh??
Bakit, nanunuod ba ako ng Korean Drama?
Tama na yan! Saway ni Ms. Ana. Bukas na ang schedule ng Project ninyo. Ang hindi magpapasa sa nakatakdang petsa may karampatang parusa.
Ano yun maam? Sabay-sabay na tanong ng mga estudyante.
Abah! Bakit? Hindi kayo magpapasa lahat? Sabay sabay pa talaga? Ang hindi magpapasa kailangan magdala ng...tae! Oo, tae ng baka tag-iisang sako.
Maam naman! Sigaw ng mga ito.
Maagang natapos ang klase nila ni Patty. Habang naglalakad pauwi.
Pat? pansinin mo yang si Carlo, panaw tingin sayo. Sabay nguso sa nakaupong si Carlo. Lagi ko yan napapansin, tuwing nakikita ko siya, sayo lago nakatitig, kahit sa classroom. Nanlaki pa ang mga mata nito na tila batang nagsusumbong sa Nanay niya.
Ganito kasi yan friend, kung lagi mo siya napapansin edi lagi mo siya tinitinggan that means...
Ngee! Ano crush ko siya? Medjo kinikilig na sambit nito.
Ohh diba! Kick kita sa nose gusto mo ba?
Eh kasi naman eh. Bigla itong nalungkot sabay sabing, kaso sayo siya lagi nakatingin, lagi na nga ako nagpapansin eh, kaso sayo talaga. Hay!!
Hayaan mo na, balang araw titingin din yan sayo.
Patuloy na naglakad ang dalawa, hanggang sa naunang nadaanan nila ang bahay nila Karen.
Pat, mauuna na ako see you tom,muaah!
Masayang nagpa-alam na sa isat isa ang magkaibigan.
Lola? andito na po ako.
Apo ko, kamusta ang araw mo?
Okay naman po La, nakatulog lang ako sa klase, napuyat kakabalot ng suman. Oh! oh! wag kang ganyan La,hindi ako nagrereklamo haha. Masaya ako na natutulungan kita. Sabay yakap sa kay Lola Manda.
Naku, ikaw talagang bata ka. Oh siya magbihis kana, para makapaghapunan na tayo.
***
Maagang bumangon si Patty at tinulungan si Lola Manda sa pagbabalot ng suman. Maya-maya ay natapos na din sila. Nauna ng umalis ang matanda para maglako ng paninda, nag-almusal at nag-ayos na din si Patty papuntang eskwela.
Karen? Karen? Sigaw ni Patty ng marating niya ang bahay ng kaibigan.
Saglit lang Pat! Pasigaw na sagot nito at dali daling lumabas ng bahay. Nanlaki ang mga mata ni Patty ng makita ang hawak ni Karen. Natawa naman si Karen sa itsura ng kaibigan.
Hahahaha! Malakas na halakhak nito. Ano ka ngayon? Nasan yung project mo? hahaha, ako pinaburda ko pa ito kay Inay kagabi.
Ayst!!! Angil nito. Lagot ako nito kay Ms. Ana.
Sorry ka friend mamumulot ka ng tae ng baka.Hahaha!
Malungkot na naglakad ni Patty patungong eskwelahan, habang masayang masaya at inaasar ni Karen ang kaibigan.
Sige na! mamumulot na ako ng tae ng baka.
***
Sabay na nagtungong canteen si Karen at Patty.
Pat! Ayan na naman si Carlo. Hay! Sayo na naman nakatingin. Alam mo friend Maarteng sabi nito, nagtanong tanong ako about diyan sa Carlo na yan, kasi diba bago palang sila dito, medyo weird.
Bakit naman? Tanong ni Patty.
Kasi wala siyang ibang kasama bukod tangi ang nga kasambahay nila at mga bodyguards.
Ahh? may bodyguard siya? Gulat na tanong ni Patty.
Oo friend, di mo kasi napapansin.
Di sa di ko napapansin, wala lang talaga ako pakialam. Ikaw nagiging stalker ka na.
Hahaha! Maarteng tawa nito. Ito pa friend, mayaman pala sila, sa dulo ng bayan ang pinakamalaking bahay na makikita mo doon ay sa kanila. Kinikilig kilig pa ito.
Oh, bakit wala ang mga parents niya? Curious na tanong nito.
Nasa ibang bansa daw, inuwi lang siya dito para mag-aral.
What? bakit pa dito mag-aaral? kung may pera naman sila, bakit di na lang sa abroad. Baka wala na kamo pera hahaha.
Naging interesado na si Patty sa katauhan ni Carlo. Pasimple siyang sumulyap at tamang tama naman na hindi nakatingin si Carlo, abala ito sa pakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan.
Hmmm! matingnan nga yang Carlo na yan. Ahhhhh! Hiyaw niya sa kanyang isipan.
Pat! ito naman di na ako kinikibo. Nakita ni Karen na pasimpleng nakatingin si Patty kay Carlo. Tinapik niya ito. Hoy, mang-aagaw! Anong tinitingin tingin mo? Patawang sabi nito.
Ahh ehh! wala! Pamumula ng pisngi ni Patty. Naintriga lang ako sa chika mo.
Maya-maya ay nagpaalam si Patty na magbabanyo muna siya, niyaya nito si Karen, ngunit nagpasya ang kaibigan na mauuna sa kanilang silid aralan.
***
Alas kwatro na ng hapon at panghuli klase na nila kay Ms. Ana, ang kanilang Economics Teacher.
Good afternoon Maam! Bati ng mag mag-aaral pagpasok ng kanilang guro.
Good afternoon din!Sambit nito.
Pat? mukhang good mood si Ms. Ana, makakalusot ka ata.
Shhhhhh! Saway niya sa kanyang kaibigan. Baka marinig ka...Luminga linga si Patty at aksidenteng napatingin siya sa bandang likod, nakita niya si Carlo nakatingin sa kanya, nagtagpo ang kanilang mga mata. Pilyong ito ngumiti sa kanya at hindi inaalis ang mga mata kay Patty. Sinimgangutan naman siya ni Patty at umalisnito ng tingin sa kanya.
Ano yun Pat? Luminga linga din si Karen. Maya-maya kinurot nito ang kaibigan sabay sabing, Mang-aagaw ka talaga, akala ko ba kaibigan kita. Kunyari ay nagagalit pa ito.
Araaaaay! Sigaw ni Patty. Napatingin ang mga kaklase neto pati na si Ms. Ana.
Ay! Sorry po. Nahihiyang tugon nito. Palihim naman nangiti si Patty.
***
Class patapos na ang klase natin and kailangan ko ng kunin ang list ng makakapagpasa ng kanilang proyekto.
Dali-dali inilabas ng mga estudyante ang kaninilang proyekto, nayuko na lang si Patty kasi di siya nakagawa nito.
Friend, mangiyak ngiyak na tawag ni Karen sa kanya.
Bakit? Nag-aalalang tanong nito.
Yung project ko kasi, nawawala. Naiyak na nga ng lubusan si Karen. Narinig ito ni Ms. Ana.
Ano nangyayari diyan? Ano wala kayong maipasa? Hala sige mamulot kayo ng tae ng baka, gagawin natin pataba.
Maam, kasi po yung project ko...Napatigil si Karen
Hi Maam! ipapasa ko lang po sana itong proyekto ko...Sabi ng isa nilang bully na kaklase. Anganda po diba maam?
Abah! ang ganda nga, good job Joshua! Ani ni Ms. Ana.
Natigilan si Patty at tiningnan ng masama ang kaklase si Joshua, ngunit isang nakakainis na ngisi lamang ang tugon nito.
Friend kita mo yon, project ko yun eh! Pinaghirapan yun ni mama. Nangingilid ang luhang sinabi ni Karen.
Naawa si Patty sa kaibigan.
Oh ang mga hindi nakapagpasa ng proyekto alam niyo na ang gagawin nio...
Maam! Teka lang ho, yung project kasi ni Karen nawawala, yun po yung ipinasa ni Joshua. Saad ni Patty.
Ano? Joshua totoo ba ito? Galit na tanong ni Ms. Ana.
Sumabat ang isang kaklase nila, totoo po maam, kanina lunch po nakita ko si Joshua kinuha yun project ni Karen.
Maraming salamat!... Joshua, kailangan kong makausap ang mga magulang mo bukas din, at bilang parusa kailangan mong magdala ng dalawang sakong tae ng baka,naiintindihan mo ba? Mahinahong sinabi ng guro.
Tumingin si Karen kay Patty. Wag ka mag-alala friend, tutulungan kita mamulot ng tae ng baka, Mangiyak ngiyak na natatawang sabi nito.
***
Habang pauwi ang magkaibigan, ay biglang may tumapik sa likod ni Karen.
Hoy! Ang angas mo kanina ahh. Bakit akala mo ba di kita papatulan? Galit na saad ni Joshua.
Ano ba Joshua, pabayaan mo nga kami, kasalanan mo din naman yun. Sagot ni Karen.
Ang iingay niyo...
Bakit ka kasi nangunguha ng di naman sayo? Putol ni Karen sa sasabuhin ni Josuaa, Matuto ka kasing gumawa ng sarili mo, hindi yung nananakot ka ng kapwa mo estudyante para makuha ang gusto...Blaaang! biglang dikit ng kamao nito sa pisngi ni Karen, di na natuloy ni Karen ang sasabihin at nahimatay ito.
Kitang kita ni Patty ang nangyari sa kaibigan. Galit na galit itong lumingon kay Joshua, nanlilisik ang mga mata, bahagyang napaatras ang binata, kinilabutan ito. Hinawakan ni Patty si Joshua sa kamay at pinilipit ito, napasigaw ng napakalakas ang binata,tila baga hiyaw ng batang takot takot at sakit na sakit.
Naalimpungatan si Karen sa sigaw ni Joshua, kinusot ang mata at nakita nito si Patty na hawak hawak ang binata. Nilapitan nito si Patty at nagulat sa nakita... Nagniningning ang berdeng asul na mata ni Patty.
Woah! di naman ako nainform na may lahing banyaga pala itong friend ko.
Pat! Pat! tama na. Mahinahong sabi nito.
Binitawan ni Patty si Joshua, mabilis itong tumakbo habang namimiipit sa sakit.
Pat? okay ka lang. Ano yun? Manghang tanong ni Karen.
Di ko din alam, basta nagalit lang ako kasi sinuntok ka ng kumag na yun. Nagtatakang paliwanag ni Patty.
Friend, may superpowers ka ata. Kitang kita ko...yung mga mata mo nagniningning na kulay berde at asul. Saad ni Karen.
Patuloy na naglakad ang magkaibigan, hindi lingid sa kanilang kaalaman na lihim silang pinagmasdan ni Carlo at kitang kita nito ang buong pangyayari.
***
Pagdating sa bahay nila ni Karen ang pinasinungalingan nila sa kanyang magulang ang pasa sa kanyan mukha.
Ahh kasi Nay,habang naglalakad kami ni Patty may nakita kami puno ng Kakao/kakaw, Sabi ko kay Patty akyatin niya ako magbabantay...Pangewa ngewa pa ang nga labi nito habang nagsasalita. Kaso, ayun na nga sa katangan ko binalak ko ba naman saluhin yung bunga, ayun bumagsak sa mukha ko. Natatawa naman nag-aalala si Patty kung maniniwala ba ang mga magulang ni Karen.
Ikaw talagang bata ka, hindi kayu nag iingat, Saad ng Ina ni Karen.
Nagkatinginan ang magkaibigan at lihim na nagtawanan.