CHAPTER 59

2485 Words

MASUYONG kumilos si Maybel sa kaniyang puwesto nang maalimpungatan siya kinabukasan. Mayamaya ay dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nang maalala niyang naroon siya sa silid ng binata ay kaagad siyang napalingon sa kaniyang tabi. Pero wala na roon si Hunter. Inaantok pa man at ramdam ang sakit sa buong katawan niya ay pinilit niyang kumilos. Yakap-yakap ang makapal na kumot ay sumandal siya sa headboard. Doon niya muling naalala ang mga nangyari sa kanila ng nobyo sa nagdaang gabi. Mabilis pa sa alas kuwatrong sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Sinilip niya rin ang hubad niyang katawan sa ilalim ng kumot. Hindi nga panaginip ang mga nangyari kagabi. She‘s not pure anymore. Pero gaya nang sinabi niya sa kaniyang sarili kagabi habang ilang beses siyang nagpau

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD