“I DON’T want to see Ms. Galla in my office okay? And tell the Accounting Department to pay her in full so that she has no reason to comeback.” anang Hunter habang kausap nito sa kabilang linya ang isang empleyado nito. “Okay. Thank you!” anito at kaagad na pinatay ang tawag. Pagkatapos na mailapag sa ibabaw ng center table ang hawak na cellphone ay kaagad nitong nilapitan ang nobya na ngayon ay nakahiga sa mahabang sofa at payapa pa ring natutulog. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hunter sa ere pagkatapos ay umupo sa tabi ng nobya. Pinakatitigan ito ng mataman. Mayamaya ay umangat ang isang kamay nito at banayad na hinaplos ang buhok ng dalaga. Yumuko rin ito upang gawaran ng halik ang noo nito. “Mmm!” mahinang ungol ni Maybel nang kumilos ito sa puwesto nito. Hinaplos n

