CHAPTER 70

2876 Words

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maybel sa ere pagkuwa’y binitawan ang hawak niyang ballpen at sumandal sa kaniyang upuan. Tumingin din siya sa loob ng opisina ni Hunter. Kagaya kanina ay busy pa rin ito sa ginagawa sa laptop nito. Muli siyang napatingin sa kaniyang wrist watch. May dalawang oras na simula nang dumating sila sa Liquor Palace, may dalawang oras na siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair pero simula kanina ay hindi pa rin tumatawag sa kaniya ang binata na nasa kabilang opisina lang. Kanina pa siya naghihintay na may iuutos ito sa kaniya. Pero nanakit na lamang ang kaniyang puwet kakaupo sa kaniyang puwesto ay wala talaga. Mag-aangat lamang ng tingin ang binata para tingnan siya at ngingiti... kikindat at kakaway. Iyon lamang. Muli siyang nagpakawala ng malalim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD