“MAYBEL ANAK,” nakangiting sambit ni Corazon nang pagkabukas sa pinto ng silid na inuokupa ng bunsong anak nito sa ospital ay ang panganay na anak ang nakita nito. “Kumusta po kayo ’Nay?” nakangiti ring bati ni Maybel ’tsaka naglakad palapit sa ina. Nagmano siya rito pagkatapos ay yumakap at humalik sa pisngi nito. “Ate, mabuti at nakapasyal ka rito. Kahapon ka pa hinahanap ni Ken,” anang MJ. “Pasensya na... e, medyo busy kasi.” “Aba’y huwag masiyadong pababayaan ang sarili mo anak. Puro ka nalang trabaho, baka mamaya ay ikaw naman ang magkasakit niyan.” Tipid siyang ngumiti sa ina. “Huwag po kayong mag-alalal inay, hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko e!” aniya. “Si Nexie pala nasaan?” pagkuwa’y tanong niya nang hindi niya makita ang isang kapatid doon. “Nasa labas ate may

