BUSY SI MAYBEL sa paglilinis ng mga wine na naroon naka-display sa Wine Cellar na nasa bandang gilid ng pasilyo nang lapitan siya ni Mimi. “Maybel,” Kaagad siyang nag-angat ng mukha upang tingnan ang kaibigan. “Bakit?” “Nasaan si sir Hunter?” Tanong nito. “Kanina ko pa kasi siya hinahanap e,” “Umalis siya kanina pa. Sasaglit daw siya sa Hotel e!” Sagot niya habang may hawak-hawak na dalawang bote ng wine. “Bakit?” “E, may ipapapirma lang sana akong papel. Pero sige hintayin ko nalang siya kung saglit lang naman siya roon.” anito. “Siya nga pala... sasabay ka na ba sa amin na kumain ng lunch?” mayamaya ay tanong din nito habang tinitingnan ang kaniyang ginagawa. Muli siyang lumuhod sa marmol na sahig at inayos sa lalagyan ang mga bote ng wine na tinanggal niya roon. Wala naman kasi

