BANAYAD na nagpakawala ng buntong-hininga si Maybel nang mahagip ng kaniyang paningin si Jhez na naroon nakatayo sa tabi ng high table na nasa bandang gitna ng Function Hall. Ewan kung tama ang naaaninag niyang reaksyon ng mukha nito. Dim kasi ang ilaw kaya hindi niya masiyadong makita ang hitsura ng mga taong naroon. Kinakabahan siya ngayon. Una, dahil iniisip niya kung ano ang sasabihin sa kaniya ni Jhez at ng mga taong naroon kung bakit siya ang kasama ni Hunter ngayon. Kung bakit nakahawak sa baywang niya ang binata. Pangalawa, kinakabahan siya dahil iyon ang unang beses na um-attend siya ng party ng pangmayayaman. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya kinakabag siya dahil may kung anong mga hayop ang nagrarambulan sa loob ng kaniyang si

