TAHIMIK lamang na nakaupo si Hunter sa mahabang sofa sa sala ng kaniyang bahay habang hinihintay niya ang pagbaba ng kaniyang ina pati ni Maybel. Kasama niya roon ang ama na si Arthur. Saglit niyang inayos ang suot na necktie pagkatapos ay nagpakawala ng banayad na paghinga. “Are you okay son?” Untag na tanong ni Arthur sa kaniya. Tipid na ngumiti si Hunter. “Yeah! I’m okay. Just... a bit nervous and excited.” Tila ba isa siyang binatilyo na first time a-attend ng Prom at first time na makaka-date ang crush dahil sa excitement na nararamdaman niya ngayon. He saw Maybel earlier... at wala siyang masabi sa angking ganda ng kaniyang iniirog. Nangingibabaw pa rin ang excitement sa puso niya na makita ngayon ang nobya. Tumawa ng pagak ang Arthur. “You know ganiyan na ganiyan din ako noon

