KABADO at paroo’t parito ang lakad ni Maybel habang nasa labas sila ng Operating Room. Kasama niya roon ang dalawa niyang kapatid at ang kanilang Nanay. Ngayong araw na ang operasyon ng kanilang busong kapatid. Naroon sila sa labas ng OR habang naghihintay sa magiging resulta ng operasyon. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga habang nilalaru-laro niya ang kaniyang mga palad. Kanina pa rin siya tahimik na nagdadasal doon. “Ate,” anang MJ nang lumapit ito sa kaniya. “Inumin mo muna ito.” iniabot nito sa kaniya ang bote ng tubig. Kaagad naman niya iyong tinanggap at nanginginig pa ang mga kamay na dinala iyon sa tapat ng kaniyang bibig at uminom. “Huwag kang mag-alala ate, magiging okay din si Ken.” saad naman ni Nexie na lumapit sa na rin sa kaniya. Niyakap siya nito.

