“MAYBEL,” Nahinto sa ginagawa niya si Maybel nang pumasok sa office niya si Jhez. Nakasimangot ito na tila wala sa mood. Naglakad ang dalaga palapit sa kaniya at pumuwesto sa silyang naroon sa gilid ng kaniyang lamesa. “O-oh? Bakit may problema ba?” tanong niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jhez sa ere pagkuwa‘y dumikwatro. “Can you give me a water first,” sa halip na sagutin nito ang tanong niya. Bahagyang nangunot ang kaniyang noo dahil sa utos nito sa kaniya. Nabigla man ay tumayo na rin siya sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa high table na naroon sa sulok. Mayroon siyang tubig doon at iyon na ang isinalin niya sa baso pagkatapos ay lumapit muli sa dalaga. Iniabot niya iyon dito. Nag-angat naman ng mukha si Jhez upang tingnan siya nito. “I don‘t like t

