“MADAM BORA!” tatlong beses na kumatok si Maybel sa labas ng opisina ng bading na photographer, pagkatapos ay pinihit niya ang doorknob. Nang makapasok siya ay nakita naman niya ang bading na nakaupo sa harap ng lamesa nito habang may kausap sa telepono. Sumenyas ito sa kaniya na lumapit siya rito. Iyon naman ang kaniyang ginawa. “Okay! But I need the film right away. Oo naman kasi may shoot ako mamayang hapon. Yeah! Ikaw na mismo ang magdala rito. Okay sige! Bye! Muwahhh!” anito sa kausap sa kabilang linya pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Inilapag nito sa lamesa ang hawak na cellphone at tinapunan ng tingin si Maybel. Ngumiti naman siya sa bading. “Hello po,” bati niya rito. Noong nakaraan pa niya nakilala ang bading na ito. Pero ngayon niya lamang ito nalapitan at makakausap. Ayon k

