Dumaong ang bangka at isa-isang bumaba ang mga sakay, nauna kaming bumaba, inalalayan ako ni Denver. Siya ang lumusong sa hanggang tuhod na tubig at tinanggap ang dala kong bag. Hindi ko na pinansin si Edcharl na masama ang tingin sa'min. I don't know what's his problem this time, I feel like he dislikes Denver. Kanina niya pa 'to tinatarayan, sinubukan ni Denver na makipagkaibigan sa kaniya pero puro pambabara siya. The nerve! Hindi ko na lang siya pinansin dahil nauna na akong namangha sa Isla. The water is crystal blue, the sand is powdery white and is dotted with some coconut trees. May iilang kubo rin sa paligid, berdeng-berde ang gubat sa itaas at naiisip ko na agad na umakyat doon para mag-trek. Hindi pa ako nakakaapak sa buhangin, parang gusto ko na agad maghubad at lumusong sa

