I glared at him, how dare this kid! Kaya ayaw kong sumama sa kaniya, ang daming pakulo. Kung hindi lang ako naakit sa trip na 'to at may iba lang na sasamahan, nunkang sasama ako sa kaniya. Pinandilatan ko siya ng mata at tinulak pabalik sa upuan niya, ngumuso naman ang tukmol at napakagat labi. "Can you behave in there? Or I'll throw you out of my car na lang!?" Singhal ko at inis na umirap. Narinig ko siyang mahinang tumawa at pinatong din ang paa sa dashboard, ginaya ako kanina. Sinabunutan niya ang buhok at nangalumbaba habang nakangisi. "Nababaliw na ako, hindi naman ganito dapat..." He whispered to himself. "Kalmahan mo lang, malalagot ka kay senior. Init pa naman ng ulo sa'yo." "That's better, kid. Talk to yourself na lang, okay? And don't bother me here," I told him, "Pasalamat

