Mabagal kong tinigil ang dalang Mercedes sa harapan ni Edcharl Saldivar. Umagang-umaga pa, hindi pa halos sumisikat ang araw gumising na ako dahil panay ang remind niya sa'kin kagabi sa Viber. Akala ko nga wala talaga siyang Viber, mukhang agarang gumawa ang tukmol para lang kulitin ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa shed, isang itim na backpack ang dala niya, naka-gray na hoodie jacket, faded jeans, sapatos at facemask. Tignan mo at mukhang giniginaw pa siya, baka inaantok din? Alas sais pa lang, sa sobrang aga niya mukhang kanina pa siya naghihintay. Hindi pa muna siya lumapit sa'kin, hinintay niya pang bumaba ako at sipatin siya saka siya lumapit. I smelled his manly musky scent and shower gel. I can't deny that it smelled nice, I bit my lip to resist a smile from it. He stared at

