Chapter 8

1861 Words
"Excuse me?" Mataray kong sabi at tinaasan ng kilay si Edcharl, tinabig ko ang kamay niyang humawak sa'kin para hindi ako mapaatras. Napanguso naman siya at nangingiting suminghap saka namulsa. Napansin ko agad ang magkapantay naming height, matangkad ako pero masyado siyang matangkad para sa isang grade nine student. "Hindi ko sinasadya," sabi niya. "Sorry." "Tsk, just step aside. Don't block the doorway." Walang imik siyang tumabi para makadaan ako, may multo ng ngiti sa labi niya na pilit niyang tinatago sa pamamagitan ng pagkagat-labi. Umirap ako at pumasok, sinara ko agd ang pinto at hinanap si Bridgette sa mga cubicle. Si Yael naman naghuhugas ng kamay at nananalamin. "Where's Bridgette?" "Sa last cubicle," sagot niya, di ako tinitignan. "Namumutla 'yan kanina nang pumasok, may sakit ba siya?" "Sakit, huh?" I laughed while shaking my head, she's not sick, she's shy. Kanina nag-uumapaw ang confidence niya ngayon naman namumutla. Sa bilis ng paglabas ni Edcharl, halatang hindi man lang sila nagkausap. Sinipa ko ang pinto ng huling cubicle kaya napatili ang nasa loob. Sumandal ako sa pader at pinagkrus ang mga braso. "What happened? Did you have the chance to talk to him?" "Leigh..." She cried in frustration. "Sobrang nakakahiya, tinitigan ko agad siya nang makapasok ako. Tapos tumitig din siya pabalik, at ngumiti." "Ngumiti pala e, bakit nahihiya ka pa?" "He pointed my hair, he said he likes girls with long hairs. Hinawakan niya pa, e ang gulo ng buhok ko, Leigh! Hindi pa naman smooth!" Napairap ako at natawa na lang sa kaniya, siguro nga insecurity niya 'yang buhok niya. And Edcharl, he likes girls with long hairs, huh? "Hindi ako nakagalaw, wala man lang akong nasabi. Nakakahiya!" Tumili siya at pinaghahampas ang pinto kaya napaatras ako, lumapit din si Yael at nagtatakang tumingin sa'kin. "Anyare sa kaniya?" "Nababaliw na, lambingin mo muna," sabi ko. "Ayoko, ayaw magpalambing niyan sa'kin, tsk. Parang tanga 'yan, bakit nagkukulong 'yan dito?" "Hoy, Yael! Naririnig kita!" Bumukas ang pinto at lumabas si Bridgette, mas lalong nagulo ang mahaba at makapal niyang buhok. Itim na itim 'to at wavy, hindi nga smooth tignan pero alam kong malambot 'yon. Inirapan niya si Yael at inayos ang salamin. "Malamang, may tainga ka, e," pabalang na sagot ni Yael. "Para kang tangang sigaw ng sigaw rito, umuwi ka sa nanay mo." "Ikaw kaya iuwi ko sa nanay mo?" Bwelta niya. "Ang pakielamero mo, umalis ka na nga! Kami ni Leigh nag-uusap, e." "Iisang table lang tayo, umayos ka. Ayusin mo mukha mo, mukha kang basahan." "Ikaw naman mukhang paa!" "Tsk, comb your hair, para kang aswang," natatawang saad ni Yael. Napailing na lang ako at pumunta sa harapan ng malaking salamin, nagdadabog siyang sumunod sa'min ni Yael at nagsuklay rin. Panay ang maktol niya at tili, hindi pa rin siya mapakali hanggang sa makabalik kami sa mesa namin. Para siyang statwa nang makita si Edcharl na nakatayo sa tapat ng table namin dahil kausap nito si Jaden. Hindi ko nga alam na magkakilala sila. "Mauuna na ako, may lakad pa kami ni Bryan," paalam ko. Napatingin sa'kin si Edcharl at nabitin sa ere ang sinasabi niya, napataas siya nang kilay at naningkit ang mata niya. "Ah, saan na nga tayo?" Tanong niya pa at napakagat labi. "Doon sa basketball na gaganapin mamaya," answered Jaden. "Ingat ka, Leigh. Naku, ingat ka sa boyfriend," si Bridgette na nakanguso. Ngumisi lang ako at tumango. "Siya mag-iingat sa'kin, hawak ko 'yon sa leeg." And I laughed. It drew groans from them and I caught Edcharl frowning, what's his problem? His expression changed, he heaved deeply with a frown. "Sasali ako mamaya, hihiram lang ako ng gamit kina Brent. Sasabay na rin ako kina Tristan," saad niya at nag-iwas ng tingin. Pairap akong tumalikod at tinawagan si Bryan habang palabas, tanging bag lang ang dala ko kaya walang sagabal sa'kin. Ilang minuto akong naghintay bago dumating si Bryan. Nakasakay siya sa itim na Cadillac at mayabang na ngumisi nang bumaba. Agad siyang lumapit sa'kin at akmang hahalik nang iiwas ko ang mukha. "You're late, I've been waiting for about seven minutes," I said coldly. "Actually, you're an hour late. I've eaten lunch already, where the hell have you been?" Not that it matters to me, I actually don't care where he has been. I just want to remind him that I never like waiting. We both set the time but he's slacking. Napasimangot siya at kinunutan ako ng nuo, sa itsura niya parang inis pa siya sa tanong ko. Bumuntong-hininga siya at tamad akong tinignan. "Ano ba, Leigh. May practice kami sa basketball, may game kami mamaya laban sa school niyo. Hindi pwedeng matalo niyo pa kami e pipitsugin players niyo." Agad nagusot ang mukha ko at nairita sa kaniya, kung makalait akala mo hindi sila natalo sa huling laro. Bakit parang iritado pa siya e wala naman siyang sinabi na may laro pala sila. Na kailangan niya mag-practice. Pinagkrus ko ang braso at masama siyang tinignan. "Oh, really?" I scoffed. "Then make sure you'll win against our school, 'cause if you don't, I'll break up with you." "What? Are you serious?" Bulalas niya, gulat na gulat. "Reign Leigh naman, don't be like that. You're acting childishly, don't be immature. Just because I was late, magagalit ka na agad. H'wag mong isali 'yang break up na 'yan." Halata ang inis at asar sa mukha niya, mabilis namula ang mestizo niyang balat at tumalim ang tingin niya sa'kin. Ngumisi lang ako at tinaasan siya ng kilay. "Sabi mo pipitsugin ang players namin, then why are you scared? Why are you mad now? You were so bold while going out of your car, why can't you have that confidence now?" I smirked tauntingly. "Pipitsugin lang pala, e. Edi mananalo kayo, hindi tayo magbe-break. Bakit parang 'di ka sure na mananalo kayo laban sa mga pipitsugin?" Kung kanina namumula lang siya, ngayon hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa'kin. Asar na asar siya at pinatagis ang bagang, lalo tuloy akong natawa. Hinawakan niya ako sa braso at naramdaman ko ang higpit n'on. Pinaningkitan ko siya ng mata, sinasabing bitawan ako. "You'll see, I'll crash your players to darn hell. And you will not break up with me, not ever. I won't let you." "You sure? I don't think you're able to hold me forever, especially if you bores me one of these days. Besides, I don't settle." Sa inis niya hinapit niya ako palapit at akmang hahalikan nang may tumulak sa kaniya, may humila rin sa'kin pabalik sa pwesto kanina. Nanlaki ang mata ko nang makita si Edcharl na pumagitna sa'min. "Hands off, man. That's not how you treat a girl," he said, followed by a humorless chuckle. Bryan's also stunned, it took him few minutes before he could understand the situation. Then, his face boiled in anger and he pushed Edcharl. Napaatras ako dahil akala ko madadala si Edcharl pero hindi man lang 'to nagalaw. Ngumisi pa nga at bahagyang tumawa. "Ano bang pakialam mo? Sa'min lang 'to ng girlfriend ko, tumabi ka kung ayaw mong sa hospital pulutin," Bryan threatened. I heard Edcharl scoffed, glancing at me over his shoulder. I arched my brows at him, why is he getting in the way? Sa'min lang 'to ni Bryan, bakit ba siya nakikialam? "Ayos ka lang?" Tanong niya na inismiran ko. "Tumabi ka, nag-uusap kami." "You're not just talking, he's harassing you." "Harassing?" Bryan exclaimed. "She's my girlfriend, I can do whatever I want with her. Kid, just f**k off. You're too young for this stuff." Pero hindi kumibo si Edcharl at hindi man lang tinignan si Bryan, nakatitig lang siya sa'kin at seryuso na ang mukha. Pinaningkitan ko siya ng mata at sininyasang tumabi pero ngumuso lang siya. "Know your place, kid. That's my girlfriend you're holding." Malakas siyang tinulak ni Bryan pagilid, sa pagkakataong 'yon nadala na siya pero hindi inalis ang paningin sa'kin. Lalong kumunot ang nuo ko dahil hindi ko alam bakit titig na titig siya sa'kin. "Schoolmate mo ba 'to, Leigh?" Si Bryan. Tamad lang akong tumango. Tumawa siya at nang-iinsultong nag-taas ng kilay kay Edcharl. "You don't care how I treat my girl, she's mine. Get yours, okay?" Bryan then laughed. I rolled my eyes. "You're too young, don't interference with someone else's business again. Pasalamat ka bata ka pa, baka kung kaedad lang kita nasapak na kita." I sighed in boredom, I nudged Bryan so he would stop bragging with the boy. "Let's go, you're not yet forgiven." "Reign Leigh naman, I told you we had a practice. Can't you understand?" "I was serious." I smirked darkly at him. I looked back at Edcharl who was standing still and watching us leave. His face was void and cold, his eyes were empty. "If your team lose, consider yourself single." "Reign Leigh." He groaned and glared at me. But I just arched my brows, I'm done with him. He can't keep me entertained, he's just so full of himself. He turned me off just now, why fight a kid, right? He opened the door for me and I settled in, as we drove off I looked at the mirror and saw Edcharl watching our car leaving. He pocketed his hands and clenched his jaw, he looked mad. His expression is as clear as crystals. The distance just defined his height and posture. We shopped for an hour and had coffee in a cozy coffee shop, then went to Bryan's school. Wala kaming klase sa hapon kaya malaya akong makagala. Marami ng studyante sa gym ng school nila nang dumating kami. Halos puno na ang bleachers, nakita ko na rin ang basketball team ng school namin sa kabilang gilid. "Doon ka sa unahan, Leigh. May upuan do'n para sa'yo," sabi ni Bryan. Pero may plano na ako kaya tumigil ako nang akmang igigiya niya pababa, napakunot naman siya ng nuo. I smiled the sweetest, this might be the last time. Unless his team wins. "No Bryan, I'll join my friends this time. They're in the opposite corner." "E nando'n mga kalaban namin, saka girlfriend kita kaya dapat sa'kin ka kampi. Do'n ka sa'min." "No, doon nga ako sa mga kaibigan ko." "Hindi pwede, doon ka sa'min," pagpupumilit niya at hinila ako. Pumiglas ako pero mas hinigpitan niya ang hawaka sa kamay ko, nararamdaman ko na nga ang p*******t n'on at pagkaipit ng ilan kong daliri. "Bryan, let go the f**k of me." "You'll stay in our corner, Leigh. Or I will crash your school's team. I'll make them bleed, I'll beat them in the court," banta niya at madilim ang mukhang binalingan ako. Nakaramdam ako ng inis at takot sa gagawin niya sa mga kaklase at kaibigan ko sa basketball team namin. Pero nagmatigas pa rin ako at hinampas siya sa braso, pilit kong binawi ang kamay pero hindi niya binitawan. Nagalit na talaga ako. "Let go of me, you think you'll win? Just watch and see, Triden will beat you!" "I'll break his bones." "You'll lose and we'll break up." "I won't let that happen," saad niya at pabagsak akong pinaupo sa pinakaunang upuan. "You cannot escape me, Leigh. Hindi ka na makakaalis, sa'kin ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD