"Hey, omorfos. Wake up. We are here." Naalimpungatan si Nairam sa mga mararahang pagtapik ng binata sa kaniyang pisngi. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa biyahe. "We are finally here," he said softly. Ang nakangiting mukha ng binata ang nabungaran niya. Inalalayan siya nitong makababa mula sa sasakyan. Nasa tapat sila ng isang bahay na may dalawang palapag. Madilim na ang paligid dahil inabot sila ng gabi sa biyahe. Ngunit kahit madilim ang langit ay kita pa rin niya ang maganda at malinis na paligid dahil sa maliliwanag na poste ng mga ilaw. Nasa loob sila ng isang subdivision, at talaga namang kay gaganda ng mga bahay roon. "Salamat po, manong." Narinig niyang magalang na sabi ni Mirkov sa lalaking drayber. "Walang anuman po, Sir. Salamat din po." Nakita na lamang niya

