"PAJAMA PARTY!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito. "Ipasok na natin ang mga yan!" Masayang sigaw ni Treb bago ipasok ang mga case ng alak at yelo. May isang kahon din doon ng mga makukulay na headbands, LED lights at confetti, at isang kahon ng iba't ibang tsitsirya. Halatang ready na ready ang mga ito. Ang mga ito pa mismo ang nag-lock ng front door. Lalo naman siyang itinago ni Mirkov sa likuran nito nang isa-isang magsipasukan ang mga tao sa bahay nito, na para bang ang mga ito ang may-ari niyon. Narinig niya ang malalim na pabuntong-hininga ng binata. "These are my annoying friends. Pagpasensyahan mo na sila." Nag-umpisang ikabit nina Carlos at Creig ang makukulay na LED lights at wala pang ilang minuto ay nagsimula nang magmukhang bar ang sala ng bahay ni Mirkov. "Hoy kayo! Paparty

