CHAPTER 36 Lumipas ang ilang linggo at naging mapayapa ang buhay ko. Kasama si Jemuel na hatid at sundo na ako sa aking trabaho. Mas lalo lang akong inasar ni Samara nang malaman niya iyon. Inasar ko rin siya kasi hindi lang naman ako ang hatid- sundo. Hatid at sundo rin siya ni Kai. Nakangiti pa kaming dalawa, sa susunod sabay kaming iiyak nito. Nung isang araw ay sinamahan ko pa siyang bumili ng grocery niya sa bahay niya na first time niyang ginawa. Ewan ko ba kung anong trip nito at bakit gusto niyang mag- grocery kasama ako. Tapos halos lahat ng mga pinipili niyang ilagay sa kanyang cart na hawak ay mga gusto kong pagkain. Ang mga naka stock na pagkain sa fridge niya ay mga gusto kong pagkain. Para raw kapag pumunta ako sa bahay niya ay hindi na namin kailangang bumili pa. Hindi a

