CHAPTER 35 Ang ending ay sumama sa akin si Jemuel. Sumama ito sa apartment ko. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Samara kapag nalaman niyang dinala ko dito si Jemuel? Kinuha niya sa loob ng bar ang mga gamit na naiwan ko sa locker. Hindi na niya ako hinayaan pang makapasok pa ulit doon sa loob ng bar. Kinuha na niya lahat ng gamit na dala ko. May dumating na mga pulis kanina nang paalis na kami ni Jemuel. Iyon na yata ang dadampot doon sa matanda. Ewan ko kung madadamay 'yong kasama niya. Inako na lahat ni Jemuel. Siya na raw ang bahala sa kanya. May tinawagan din siya kaninang attorney na maghahandle ng kaso. See? He can put that old man in the jail without a sweat. “Hinayaan mo lang ang boses mo, tulog na yata si Samara. Magugulat iyon kapag narinig niya ang boses ng isang lalaki.

