CHAPTER 6

1402 Words
CHAPTER 6 Dahil naakit ako sa malaking halagang ibibigay niya sa akin ay sumama ako sa kanya. Kung sakaling totoo man ay pwede ko ng itigil itong isang trabaho ko. malaking tulong na iyon para sa akin. Magpapanggap lang naman akong girlfriend niya. “Fasten your seatbelt,” he said while fixing his. “Hindi ka naman pala gentleman,” pabulong na sabi ko. “You want me to put it?” namula ako sa sagot niya. Shocks, akala ko hindi niya narinig. I did not answer him. Nilagay ko nalang ng tahimik ang seatbelt sa aking katawan. “Saan ba tayo pupunta?” I ask when he started the engine. Hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya. Mamaya ko nalang siya tatanungin, hindi niya rin naman tinanong ang pangalan ko. “To my house,” simpleng sagot nito. “Anong to my house? Sabi mo sa park tayo, itigil mo ‘tong sasakyan!” pinukpok ko ang kamay ko sa bintana niya. Masama niya akong tiningnan. “May kaltas na ‘yong magiging sahod mo sa akin kapag nagasgasan ‘yang sasakyan ko, sampong libo ang ikakaltas ko.” banta nito. Tinigil ko naman ang ginagawa ko. Nakakatakot ‘tong mga banta niya. “Saan ba kasi tayo? Saang park ba? Ang daming park dito sa Pilipinas!” sumakit agad ang lalamunan ko sa naging sigaw ko. “Will you please stop shouting? Ang ingay mo siguro sa kama. Ang sakit sa tainga ng boses mo.” Matinis kasi ang boses ko. Kapag may mga liga sa Barangay namin ay boses ko talaga ang nangunguna sa sigawan. Lalo na kapag may basketball tapos may team akong sinusuportahan. Walang makakatalo sa boses ko. “Ang bastos ng bunganga mong lalaki ka! Ang layo- layo ng mga sagot mo sa tanong ko!” binitawan ng isang kamay niya ang manibela upang itakip iyon sa isang tainga niya. “Isa pang sigaw mo, tatakpan ko na ‘yang bibig mo.” Wala talaga akong nakikitang matinong sagot niya. Ang sarap iumpog sa bintana ng kotse niya. “E’di takpan mo!” pinagkrus ko ang aking mga binti at diretso akong tumingin sa harapan. “O kaya halikan nalang kita?” Pinakita ko sa kanya ang kamao ko. Ginagalit niya ako! “Nakikita mo ba ‘to? Maliit lang ‘yan pero kapag sinapak kita makakatulog ka ng mahimbing.” But of course it was not true. Baka isang pitik lang nito sa akin makatulog na ako. “Tapang mo naman, akala mo kung sinong malaki, eh.” I couldn’t stop myself anymore. Hinampas ko na siya sa braso niya. Grabe na ang panglalait na binibigay sa akin. Lahat nalang yata lalaitin niya. “May problema ka ba talaga sa akin?” kanina boobs ko ang nilalait niya, tapos ngayon pati height ko pinapakialaman niya. “Just shut up for a minute, please. I don’t like to talk that much.” I just rolled my eyes on him. Sa labas nalang ako tumingin. Sarap hambalusin. Nakailang liko kami hanggang sa dumating na sa lugar na hindi ko alam kung saan. Village ba ‘to? Akala ko ba sa park kami? Tangina! Sa bahay niya ba ako dadalhin? Tangina naman. “Hoy! Hoy! Itigil mo ‘to!” sigaw ko sa kanya habang pinapalo ko na naman ang bintana ng kotse niya. “Why? Ikakaltas ko na 'to sa sweldo mo sa akin.” naiinis na sambit niya. “Anong why? ‘Di ba sabi ko sa ‘yo hindi pwedeng sa bahay mo tayo pupunta! Dito tayo sa labas mag- usap. Dito nalang sa loob ng kotse mo!” pagod niya akong tiningnan. “Can you please calm down? Wala akong ibang gagawin sa 'yo. I will just bring you to the park." niliko niya sa kung saan ang kotse. Doon na bumungad sa akin ang sinasabi niyang park. Umaga pa lamang ay marami ng mga tao doon. May nakalagay sa taas na pangalan "Serenity Falls Park". Mayroong mga café sa gilid. May mga food stalls na nasa gilid. Mayroon ding playground para sa mga bata. The leaves of the green trees are dancing. The children are wearing the smiles on their faces. "Dito na ba tayo?" I asked him while I am still staring outside. Ang ganda naman ng lugar na 'to. Ang lapad ng place. Pwede ka pang humiga dahil makapal ang bermuda grass. Nauna akong bumaba sa kanya. Ako na mismo ang nagbukas ng pintuan. Hindi 'to gentleman, eh. Nang makalabas na ako ay doon ko tuluyang narinig ang boses ng mga batang naglalaro. Sana bata nalang ulit ako. Do you get what I mean? When we were still a child, we always dreamed to be an adult. Pero kapag lumaki kana pala, ang hirap pala ng sitwasyon mo. Nung bata ka ang problema mo lang ay kung paano ka makakatakas sa mga magulang mo sa tuwing pinapatulog ka sa tanghali. Ngunit ngayong malaki na ako, gusto ko nalang ulit na maging bata. Ang dami mong mga responsibilidad na kailangang gampanan. Ang bigat ng dinadala mo araw- araw. Pakiramdam ko nga ay pasan- pasan ko na ang lahat ng problema sa mundo. Hindi ko na magawang ngumiti at tumawa katulad ng mga batang ito. Ngumingiti ako, ngunit ramdam ko na may kulang. Gusto ko maging bata ulit para hindi na ganito kalaki ang problema. I wished I also enjoyed my childhood life. But I did not. I used to leave in my tita's house. Away from my family. Bata pa lang ako, kailangan ko ng kumayod. Hindi naman madali ang nangyari sa akin doon. Kadugo ko nga siya. Ngunit hindi naman maganda ang naging trato sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan mo, 'di ba? Syempre katulong ang tingin nila sa akin. Hanggang ngayon hindi alam ng mga magulang mo na halos aso na ang trato sa akin. Kapatid iyon ni nanay eh. Gusto ko kasing mag- aral kaya doon ako tumira sa kanya. Mayaman sila, seaman ang asawa niya at siya naman ay naghihintay lang ng sweldo ng asawa niya. Halos hindi na ako bigyan ng baon. Kulang din ang pagkain na binibigay sa akin. Mga tira- tira lang nila. Mas maganda pa ang ulam ng mga aso nila kesa sa akin. Naka chicken joy ang aso tapos ako patis lang ang ulam. That's life. Matagal ko naman na silang kinalimutan. Nag- away din sila ni nanay. "Let's go inside," tinuro nito sa akin ang isang café. Kaunti lang ang tao sa loob. Tumango lang ako sa kanya, napatigil ako sa paglalakad nang may biglang sumigaw. "Taho! Taho!" hinanap ng mga mata ko kung saan galing ang boses ng sumisigaw na iyon. "Ayon! Ayon! Puntahan natin!" hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila ko siya papunta taong nagbebenta ng taho. “Bibili kami! Bibili kami!” “You don't have to shout damn this girl.” hindi naman ako sumisigaw, normal na boses ko naman 'to. “Ikaw ang manahimik d'yan,” nagningning agad ang mga mata ko nang makita ko ang taho. Ang tagal ko ng hindi kumakain ng ganito. Madalas kasi ay hindi ko naabutan ito dahil tulog na tulog ako. “Kumakain ka ba nito?” sumenyas ako ng dalawa sa nagbebenta. Binitawan ko na ang kamay ng lalaki nang nasa harapan na kami. “Of course,” s**t! Wala nga pala akong pera dito! Naiwan ko 'yong bag ko doon sa sasakyan ng manager namin. Lumapit ako ng kaunti sa kanya para bumulong. Ako pa naman ang nag- aya sa kanya dito. Tapos wala pala akong pera na dala dito. “Pwede ba pahiram muna ng pera? Wala pala akong dalang wallet dito. Ikaw kasi, eh. Inaya mo agad ako dito, naiwan ko tuloy ang bag ko doon sa sasakyan namin.” umiling lamang ito sa akin. “Ayaw mo? Kung ayaw mo e'di hindi na rin ako papayag sa gusto mo,” tinaas ko ang aking isang kilay sa kanya nang tumawa nalang ito bigla. May taliling talaga siya sa utak. Bigla- bigla na lang tumatawa. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking bewang. He pulled me closer to him. Tangina naman! Ang lakas ng t***k ng puso ko! Bakit ba ang lapit- lapit niya sa akin? I want to push me. Pero ang kalandian ko ang umiiral. “Kapag binayaran ko 'yan, you will let me do anything to you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD