CHAPTER 7 “Bente lang naman ‘to akala mo naman isang milyon ang utang ko sa ‘yo,” hinampas ko ang kamay niya na nasa aking bewang. Nang lumingon ako kay manong ay natatawa ito sa aming dalawa. Tinanggal naman nito ang kanyang kamay sa aking bewang at umayos na rin ng tayo. “Ang sweet n’yo naman po,” napatakip ako sa aking labi upang pigilan ang tawa ko. ito na siguro ang tamang panahon para simulan ko na ang trabaho ko. Magpanggap na kaya ako na girlfriend niya? ‘Yon naman ang magiging trabaho ko, ‘di ba? Ang ginawa ko ay hinawakan ko ang braso ng lalaki. Sino ba ‘to? Boyfriend ko nga pero hindi ko naman alam kung ano ang pangalan. Mamaya ko nalang tatanungin. “Babe, mapagbiro pala ‘tong si kuya,” kunwari ay hinampas ko pa ang kanyang braso. Pinanlakihan ko ito ng mata nang tumawa lan

