CHAPTER 62 Sinundan ko silang dalawa. At ang sweet nila habang naglalakad! Parang magjowa! Hindi ko nakita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa akin. Nakikita ko kung paano pisilin ni Jemuel ang bewang nito habang naglalakad sila. I can't help but to feel jealous about them. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Habang nakatitig ako sa kanilang dalawa ay nilubok ako ng inggit sa katawan ko. Aaminin ko, nagseselos ako. Selos na selos na ako ngayon. Akala ko mayroon nang namamagitan sa aming dalawa ni Jemuel. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon. Naalala kong pagpapanggap lang pala ang lahat ng ito. Masyado yata akong naging kampante. Bakit ko nga ba nakalimutan na hindi totoo itong mga pinapakita ni Jemuel sa akin? Na kailangan niya lang ako para pagtakpan ang

