CHAPTER 64 “Tatanggalin mo ‘yang kamay mo o sasapakin kita?” sinamaan ko ito ng tingin. Hindi niya pa rin tinanggal ang kamay niya sa aking pagbabanta sa kanya. Ang tigas ng ulo! Ayaw makinig. “Come on, Sienna. Tell me your thoughts. Bakit galit ka sa akin?” hindi mo ako makukuha sa paglalambing ng boses mo. Simula ngayon ay hindi na ako magiging marupok. Tataasan ko na ang pader ko, hindi ko na hahayaang makakaakyat pa ulit siya. Bahala siya sa buhay niya. Tumingin ako sa labas, papanindigan ko itong pagiging malamig ko sa kanya. Inamin ko sa kanyang crush ko siya, crush lang naman. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko na siya. At buti na lang at hindi ko iyon nasabi sa kanya. Baka pagtawanan lang ako nun. He will laugh at me for falling for him. Magiging tanga ako sa mga ma

