"Miss Kleya, we have a company dinner po at The Golden Recipe, 7pm. All the supervisory employees are required to attend." The secretary said politely.
Tango lang ang naisagot ko. I was really busy with work. Ilang linggo na akong ganito and I guarantee you, napakahirap ng trabaho ko. Maya't maya rin ang pagkakape ko dahil kulang na kulang ako sa tulog.
"Sure, thank you." Sabi ko. Ramdam kong umalis na siya pagkatapos marinig ang confirmation ko.
Bwisit na August na 'yan! Supposedly, nagrerelax ako ngayon dahil breaktime pero mukhang hindi na ako magkakaroon ng breaktime dahil tambak ang pinapagawa niya sa akin. Irereport ko na talaga siya sa DOLE!
"Hard, isn't it?" Napatigil ako sa ginagawa when I saw August in my office. Hindi ko na nalamang nakapasok na ang demonyo sa opisina ko. "I'd like you to make me a cup of coffee."
"Part din ba 'yun ng trabaho ko?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"No. But I guess it's rude to say no. I'm your boss." He said. Mukhang pumunta lang talaga siya dito para bwisitin ako. Bakit ko naman sisirain ang araw ko dahil sa huklubang katulad niya?
"Then no." Sagot ko, giving him a fake smile.
Kita ko ang paglukot ng mukha niya. Bastos na kung bastos.
"And why?" Iritado niyang tanong.
Inis akong tumingin. "Alam mo Sir kung imbes na dumaldal ka dyan at gumawa ka ng kape, kanina ka pang may kape. Ang arte mo." Iritado kong sabi.
"I'm f*****g what?" Pagalit niyang tanong.
"Ang arte mo, Sir." Nginisian ko siya. Napikon siya at nagmura.
"f*****g retard. Why is she qualified to this job?" I heard him murmored bago masamang tumingin sa akin.
"With that attitude of yours, mas lalo kang mahihirapan. I'll give you loads of works. I'm giving you the chance to apologize but you wasted it." He said seriously
"Excuse me, at bakit naman ako mag-aapologize?"
Napamura na lang siya bago iiling-iling na nilisan ang opisina ko. Kung lalaitin niya ako, well bahala siya. Siya lang naman itong hinihintay kong sesantihin ako sa trabaho eh.
Pagkatapos ng trabaho ay nagdiretso na ako sa CR para maghanda sa company dinner. Papalagpasin ko pa ba ang blessings? I'm sure nandoon din ang demonyitong boss ko pero who cares, may dinner eh. Active ako sa mga event kahit noong sa huling trabaho ko.
The restaurant was a bit fancy when we came. Andun ang lahat ng head ng every department. Well, mataas naman ang posisyon ko but that is enough to be classified as supervisory level.
Marami-rami na din ang nandoon at halos lahat sila ay may edad na rin. Napatingin sila sa akin pag-upo ko. Mahaba kasing mesa iyon na halatang para talaga sa mga event katulad ngayon.
"You're Miss Kleya, galing sa Laguna Branch?" A mid-forties guy beside me asked. Magalang akong ngumiti at tumango.
"I'm Mr. Glenn Hidalgo, I'm the head of the IT Department." He politely asked.
Sure, the employees here are very polite except the boss. Napakabastos at walang modo!
I saw him coming. Speaking of the devil! Inaayos pa niya ang kurbata at tila celebrity na may grand entrance! At talaga lang ha! Kaya siguro kahit matandang dalaga, nahuhumaling sa kanya rito!
"Sorry, I was a bit late today. I had a meeting with a VIP client. Let's eat." Pormal niyang sabi. Sumulyap siya sa akin bago umupo sa harapan ko! Ha! At sa harapan ko pa talaga!
"We're going to change the supplier, Mr. Lijauco?" Narinig kong sabi ni Miss Cassiopeia na malapit lang kay August.
"Yes, but let's not talk about it. We're here for the dinner."
Inabala ko ang sarili ko sa pagkain at hindi ko na pinansin. Kumain lang ako at tinikman ang mga masasarap na pagkaing nakahain. I think hindi ko pa natikman ang kahit na ano kaya sarap na sarap ako! Lalo na sa steak na kinakain ko! Gosh, ano bang tawag dito?
"You sure eat a lot, Miss Altamirano.." Napairap ako ng lihim nang marinig ko ang boses ni August patungkol sa akin. Natahimik ang lahat sa sinabi niya at ramdam kong nakatitig ang lahat sa akin.
"Well, yes. I'm devoting my service to your company so I think I deserve to eat a lot?" Nagtawanan silang lahat at nakita kong nakitawa rin si August pero halatang napipilitan.
I smirked. Ito ang tinatawag nila iginisa sa sariling mantika. Go on, August. You think I'll just bow my head dahil maraming tao sa lahat ng sasabihin mo? I don't mind! In fact, I love the attention I'm getting! Besides malalaman nila ang totoo mong pag-uugali. A demon in a nutshell, asshole.
"Well, that's a compliment, Miss Altamirano." Napipilitang niyang sabi.
I almost laughed at that. Hmmm. Losing patience my dear August?
"Wow. Thank you sa compliment, Sir." He glared at me as I smiled sweetly on him.
I spent the evening eating and busog na busog ako that I am sleepy after the goodbyes began. Naiwan kaming dalawa ni August pagkatapos ng magpaalam ng mga empleyado.
He looked at me with disgust. I smiled at him.
"Tss. Now I'm wondering kung bakit ka niloloko. You even thought I was your boyfriend. And with that looks and with that nasty attitude? I'd rather marry a beggar." He insulted me with sharp words but I'm getting used to it.
"Look who's talking? Nakakahiya sa'yo! At bakit mo naman iniisip na magpakasal sa akin? May crush ka lang saken eh! Don't even have a crush on me, kasi hinding hindi kita magugustuhan!" Iritado kong sabi.
He laughed sarcastically, revealing his perfect white teeth. Tsk. I know he's handsome to make every woman fell for him. But this is not right! I grew up dreaming na dapat gwapo ang mapapangasawa ko but now, I'm thinking I should marry a decent guy with a nice personality. And look who's in front of me? Gwapo pero demonyo?
"Same here! Who told me, bonus na lang ang kisses and hugs? And from what I remember, you think I'm surprising you?" He let out a single laugh at nagsisimula na akong mainsulto. Alam na alam niya talaga kung paano pakuluin ang dugo ko.
Sa inis ko nilapitan ko siya at sinipa ko siya ng malakas sa binti. Hindi na siya nakailag dahil biglaan ang ginawa ko. Serves you right!
"f**k! Get back here Kleya! f*****g come back here!" Nagmamadali akong umalis at pumara ng taxi para makaalis doon! Galit na galit ako na pati iyong pagkakamali ko ay ginagamit niya sa akin! Ang kapal ng mukha niya! Pasalamat siya at iyon lang ang ginawa ko sa kaniya!
Rinig na rinig ko pa ang paghiyaw niya at marahas na pagmumura. Wala akong pakialam sa kanya!
Hindi na ako nagtaka kinaumagahan. I was expecting that I'll be fired immediately pero taliwas iyon sa inaakala ko. Nagkukumpulan ang empleyado at dahil maaga may time pa yata para magchismisan.
"Ang aga ni Sir ngayon. Sobrang init ng ulo. Binasag niya yung vase na nasa opisina niya. Ano ba daw nangyari?" One of the employee asked. If I remembered it clearly, her name's Patricia. Bahagya itong nakasilip sa opisina ni August bagamat hindi kita ang nasa loob.
"Balita ko, nag-away sila ng girlfriend nila?"
Ha! Nag-away? Gusto kong tumawa ng malakas pero ayoko namang makiusyoso.
Bumalik nako sa pwesto ko para simulan ang ginagawa pero sumulpot ang sekretarya ni August sa harapan ko.
"Miss Kleya, pinapatawag po kayo ni Sir August.." Nangangatal ang boses niya sa takot. Iba yata magalit si August at talagang nagh-hold ng grudge na pati tao sa paligid niya at takot na? Talaga? Sinipa ko lang sa binti? Magpapasipa na rin ba ako? Bakla ampota.
Tumango ako at ilang saglit ay pumunta na ako sa opisina niya. Nagkalat doon ang basag na gamit na hindi pa nalilinis. I've know August has a very bad temper pero hindi ko inakala na dito pa siya nagkakalat sa opisina. I guess he shows his emotions when he's mad. That will settle everybody's limitations when it comes on befriending him, I guess.
"You f*****g retard.." Nanlilisik ang mata niya sa akin at anytime parang babatuhin niya ako ng kung ano. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Alam mo bang pwede kang makulong dahil sa ginawa mo?! You wanna rot in jail?!" Sigaw niya. Tila lumindol sa opisina sa lakas ng boses niya. Nag exceed yata iyon at bahagya na akong natakot.
"Why? You wanna sue me? Then ipakulong mo ako. Afterall, living in a jail is better than working. Free food tapos hindi ko na kailangang magwork. Plus, I got to enjoy the taxes that I paid." His jaw clenched!
"Sure, Miss Altamirano. Pero I'm giving you the chance to apologize. Right now." Tumaas pa lalo ang kilay ko.
"I am not apologizing. Deserve mo iyon sa pang-iinsulto mo sa pagkatao ko. I'm trying to correct my mistakes at wala kang karapatang husgahan ako. And what? Binigyan mo ako ng maraming trabaho, nagreklamo ba ako? No. Because I'm devoting my time sa kompanya mo. And ako pa ngayon ang magssorry? Just because sinipa kita? Ano sasabihin mo sa pulis? Na ipapakulong mo ako dahil sinipa kita? Lalaki ka ba talaga? Bakla ka?" Iritado kong sabi.
Rinig ko ang rahas ng pagmumura niya.
"Apologize, Kleya. I can destroy you in one snap." His words marked with finality.
"Ayoko." Final kong sabi.
"Okay, then. I think kailangan kong kunin ang lupaing nakapangalan sa Tatay mo. It's in Laguna, right?" Nakuha niya ang atensyon ko.
Fucking what? Nababaliw na talaga siya ano?!
"Pati lupa, August? Seryoso ka ba? Bakit mo idinadamay ang pamilya ko rito?!" Nangingilid ang luha ko sa galit. Tangina ng gagong 'to? May sa demonyo yata talaga 'to?
He clasped his fingers and put it in his chin.
"Well if you won't apologize because that will hurt your ego that much, you have no choice but to agree on my terms." He smiled devilishly like he's planning on doing something?
I will never say sorry. Kasi kapag ginawa ko iyon, parang hinayaan ko na rin siyang tapakan ang pagkatao ko. No way.
"Alam ko ang lahat sa'yo, Kleya so don't argue about it. Mabait pa ako sa lagay na ito. Why don't you just accept my terms?" He said.
Kinuyom ko ang kamao ko. Masusuntok ko na talaga 'to!
"Besides, kung makukulong ka sinong kasama ng Nanay mo? She'll get sad and she'll beg me to release you. Do you want to see your Mom beg for my mercy?"
Naiiyak na ako sa sinasabi niya. I can't bear my Mom doing those kaya to save my Mom and to save my pride, wala akong ibang magagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan niya.
Maaliwalas na ngayon ang ngiti niya dahil pakiramdam niya ay nagantihan niya ako. Nakasimangot ako at nakabusangot ang mukha ko dahil sa pangyayari ngayon.
"Ano bang gusto mong mangyari? Actually pwede mo naman kasing tanggalin na lang ako sa trabaho--
"I am not asking for your opinion so shut up." Napairap ako sa biglaang pagbabago niya ng mood. Malaki ko na talaga siyang masaktan ulit!
"Fine. Ano ba ang gagawin ko?" Sabi ko pagkatapos bumuntong-hininga.
"Aside from doing your job, you'll become my personal assistant. That means kailangan mong gawin ang inuutos ko." Napataas ang kilay ko. Sagad talaga ang galit niya sa akin na pati ang pagiging personal assistant ay gagawin kong trabaho. Wow. Mabuhay pa kaya ako nito?
"Hindi ko iyon kayang pagsabayin. Sa tambak pa lang ng ginagawa mo eh." Pangangatwiran ko.
"Babawasan ko ang trabaho mo. I'll make sure magaan lang ang trabaho para makapagtrabaho ka sa akin." He said.
"Bakit di ka na lang kumuha ng full time assistant mo?" Tanong ko.
"This is your punishment, Kleya. Umasta ka ng maayos. Nakasalalay ang lupa niyo rito." Iritado akong tumingin sa kanya.
"Ganito ba talaga kapag mahina kami? Gagawin niyo lahat para lang makuha ang gusto niyo? Kahit na may binabangga kayong tao?" I asked seriously.
"No. This will never happen if you're not arrogant."
"This will never happen kung hindi masama ang ugali mo." Iritado kong sabi.
He glared back at me kaya nagpasya na akong manahimik. I'll be expecting loads of works sa mga susunod na araw.