Chapter Two

2467 Words
I woke up in the middle of the night by the ring of my phone. It was no other than my poser boyfriend. "Hello?" He said. Tahimik lang ako. Kanina pa akong nag-iisip kung paano ko siya kakausapin pero dumating na yata sa pagkakataong kailangan ko ng itigil ang kahibangan ko. "Yes?" Sagot ko bagamat nararamdaman kong tumataas na ang tono ng boses ko. Mukhang magkakahighblood pressure ako sa demonyong poser na 'to. "Kumusta ang baby ko?" He said. I smirked. The audacity of this jerk! "So hanggang kailan mo ako balak lokohin?" Matapang kong sabi. He was caught off guard dahil hindi siya nakaimik kaagad. "Kleya.." I wished hindi totoo ang hinala ko, pero mukhang totoo nga! "Tangina, isang taon akong nagpapaloko sa isang lalaking hindi ko pa kilala? And guess what? Nagpauto ako sa'yo kung sino ka mang demonyo ka! Nameet ko lang naman kahapon ang boss ko! Hulaan mo, siya 'yung litratong sine-send mo sa aking gago ka! Mabaog ka sana!" Galit na galit kong sabi na halos magngalit ang ngipin ko sa pagkamuhi. Pakiramdam ko ay natapakan ang buo kong pagkatao. How would I even face Box after what happened? "Let me explain, Kleya!" He said pero pinutol ko na ang tawag. Iniisip kong ipa-trace siya or even put him in jail pero hindi ko na ginawa. It is to save my pride. All I can do is to accept the fact na niloko ako at kailangan kong mag-move on. It's not like may nawala sa akin. It's emotional torture, I guess. Pangit siguro ang lalaking 'yun at sadyang nanggagamit pa ng larawan ng iba! And imagine, I almost lost my job! I even tried to apologize to Sir August pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado sa desisyon niya. The interview went well. Kahit labo ang utak ko dahil sa rebelasyon, pinilit ko pa ring maging professional alang-alang sa trabaho ko. "This is the very first time someone told that to me. I'm pretty sure I only have a girl in my life at wala ka sa kalingkingan niya, Miss Altamirano." Sir August pointed that out to me pagkatapos ng interview namin. Ngayon ko lang narealize na kung gaano kabait 'yung poser na 'yun, ganoon naman kasama ang ugali ng bago kong boss. Napakabastos at sadyang mataas ang tingin sa sarili. Aminado akong tanga ako at nagkamali pero kailangan niya bang ipamukha sa akin na napakatanga ko? At sabihin niya sa harap ko mismo na wala ako sa kalingkingan ng girlfriend niya? Wow! Pumasok pa rin ako kinabukasan. I just made myself a good breakfast para kahit papaano ay may energy ako buong maghapon. Who knows kung anong problema ang kakaharapin ko ngayon? The office was in chaos when I came. Rinig na rinig ko ang boses ng demonyito kong boss na si Sir August habang sinisigawan yata ang isang empleyado. "I told you this is important! This is due today! And wala kang back-up! If hindi mo ito magagawan ng paraan, pwede ka ng humanap ng ibang trabaho!" Napairap ako sa narinig ko. Oh, the almighty August. Oh at naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin na wala ako sa kalingkingan ng babae niya? Ha! At sino namang magkakagusto sa kanya? Sa ugali niyang iyan! Nakatungo ang lahat ng empleyado dito na parang mga takot na tuta dahil sa takot. Dumiretso ako sa aking opisina dahil kailangan ko ng magsimula para sa trabaho. Nabrief na rin naman ako kung paano ang gagawin. My job's very similar to the last job pero mas complex lang dahil mas malawak ang operasyon ng company. It's okay. This is my expertise. I can handle everything. Maya't maya kong naririnig ang pabulagsak na pagbukas ng pinto ni Sir August. Medyo malapit kasi ang pintuan ng office niya sa opisina ko kaya rinig na rinig ko kapag may komosyon. Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagpatuloy sa trabaho. Nagbalak lang ako na pumunta sa opisina niya dahil may ilang bagay akong ikokonsulta at papapirmahan na rin. "Sir?" I knocked at his door. He's calmed down. Sinulyapan niya ako ng tingin bago siya nagtaas ng kilay. "What?" Suplado niyang sabi. Kulang na lang ihampas ko sa kanya ang hawak kong papeles kung hindi ko lang siya inirerespeto. Kung di nga lang kailangan. Irerespeto ko ang gagong 'to e mas masahol pa demonyo ang ugali? Ganyan bang pag-uugali ang dapat respetuhin? "I just want to consult something." Pormal kong sabi. Kapag ganito ang boss mo, nakakatamad talaga magtrabaho. "What is it?" He said. Umupo ako sa harapan niya. I gave him the papers he need to sign. He read it first bago muling nagsalita. "What consultation are you talking about?" He said. "Actually Sir, it's about the purchase po from Singapore. I looked into it that a branch also was manufacturing the same part we purchased from Singapore. So what if Sir ang gawin po natin, magpurchase po tayo sa branch natin? We can have a profit-- "We are not into profit only. We are into relationships. That Singapore company was the supplier for almost 5 years-- "Let me finish my proposal, Sir." Tumigil naman siya at tinitigan ako ng matalim. "Kanina ko pa po itong pinag-aaralan. Actually there has been multiple reports po that the material we're purchasing has an inferior quality. Mataas po ang abnormal lost if we keep continue purchasing. And I've talked the branch manager po. Nagpadala po ng report sa akin. The raw materials they've been using is the same as the materials we purchased." Mukha namang may punto ako dahil natahimik siya sa sinabi ko. "I'll think about it. Don't outsmart me, Miss Altamirano." Matalim niyang sabi. "What outsmarting are you talking about, Sir? I'm doing my job." Naiirita kong tanong. I know. Lumalabas ang pagiging maldita ko kapag ganito ang kausap ko. "Are you raising your voice, Miss Altamirano?" He gritted his teeth. "I'm not, Sir. I'm just emphasizing my point. Clearly, wala naman po akong gustong iparating. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko." Sagot ko. "It's an insult to me. Even my financial advisor would never dare to say that in front of my face. And what did you say? Listen to my proposal first? Inuutusan mo ba ako? Isa ka lamang empleyado and anytime, pwede kitang tanggalin. Aren't you afraid?" He laughed sarcastically. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napaikot ang mga mata ko. What the hell? Ang yabang niya ha? I've been working on this field for five years at siya ang pinakamayabang sa naging boss ko. "Because I want you to hear my suggestion first. How would I-- "This is my company. How dare you suggest what I should do? I've been running this company for years, Miss Altamirano. Kahit kailanman, wala akong naipalyang proyekto. Not even once. And I can tell, you don't deserve this job." Galit niyang sabi. Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Clearly, makitid ang utak ng lalaking 'to! He's so full of himself! "Wala pa akong nakitang katulad mo, Sir." Mangha kong sabi. "I've never seen na kagaya mo. Grabe ang pagka siraulo." "What the f**k?!" He shouted, mukhang hindi natuwa sa insulto ko. He was about to say a rebuttal pero pumasok na ang secretary niya. "Sir, it's time po to visit the site. Naghihintay na po sa labas si Director Lucas." Sabi ng sekretarya bago lumabas. Sumeryoso ang mukha niya bago bumaling sa akin. "We're not f*****g done, Miss Altamirano." He said bago ako umalis doon. Of course, I knew it. Pababalikin niya ako sa branch or worse, tatanggalin niya ako sa trabaho. Pero okay lang naman. Hindi ko magagawang magtrabaho ng maayos sa ganitong klase ng working environment. I am very creative kapag nakakausap ko ng maayos ang boss at katrabaho. My boss is a perfectionist. Plus, nahihirapan akong intindihin siya. Alam kong hindi maganda ang impression niya sa akin and so do I. Hindi kami magkakasundo. I won't grow in this company kung ganito kami lagi. Alam kong maiksi ang pasensiya ko. Baka magkademandahan kami ng wala sa oras ng walang modong lalaki iyon. "Balita ko nasigawan ka na si Sir kanina?" Miss Cassiopeia asked me. Siya ang nasa treasury department at siya pa lang din ang nakikilala ko dahil mag-isa lang din ako sa loob ng opisina. "Yes po. Nasigawan nga po ako." Sagot ko. "I'm thinking Miss baka bumalik na lang din ako sa branch or worst, magresign na lang ako." I explained. "Why, di mo ba kayang magtrabaho kay Sir August?" "Yes. Hindi ko naisip na ganyan kasama ang ugali ng boss niyo dito. I won't be working with a company na ganyan ang namumuno. Masyadong mataas ang tingin sa sarili." Napapalatak na lang ako. "Ganyan talaga si Sir, Kleya. Pero mabait 'yan. Nasa ugali nila ang pagiging istrikto at mayabang kasi malaki ang kompanya. Pero kapag may event naman, mabait naman siya at pwede mong ituring na kaibigan." Kaibigan? Elites at tycoons lang mga friends niyan. Kung makasigaw nga sa empleyado, akala mo kasalanan ang magkamali! Bandang hapon ay bumalik na si Sir August galing sa meeting. Wala naman akong pakialam kung pagalitan niya ako. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. I tried to be professional, pero ayoko sa lahat na tinatapakan ako at iniinsulto. Hindi nga ako nagtaka. Pinatawag niya ako sa opisina. Taas noo ko siyang pinuntahan doon bagamat tinitingnan ako ng karamihan sa mga empleyado. Okay, bago pa lang ako sa trabaho pero may issue na ako sa boss. Seryoso si Sir August na nakaupo bago ako umupo sa harapan niya. "Yes po?" Painosente kong sabi. "I thought about the consultation you were talking about and I'm convinced." Nakahinga ako ng maluwag. Marunong naman pala siyang makinig e! "But I really don't like you. Mostly, your attitude. You're fired." Napangiti ako sa sinabi niya. I never thought na magiging masaya ako despite wala na akong trabaho. Yes. To save my pride. Una, napagkamalan ko siyang boyfriend ko. Pangalawa, nakita ko ang pagiging demonyo niya. Kaya okay lang na mawalan ng trabaho. "Do you really expect me to say that?" Nabago ang ngiti ko sa sinabi niya at diretso akong napatingin sa kanya. "Ha?" Nawala na ang pagiging magalang ko. Bwisit ka talaga, August! "Sa tingin mo papalagpasin ko ang ginawa mong 'to? Sa ngiti mo pa lang, iniisip mong tatanggalin kita sa trabaho? No way, Miss Altamirano. Wala pang nang-insulto sa akin and unfortunately, you're the first one to do that. And I'll make sure pagbabayarin mo 'yun." Napalunok ako. Siya naman ay ngumisi sa akin. Halos mapamura ako sa isip! Anong pagbabayarin? "Actually I was smiling kasi ang pangit po ng hairstyle mo. Para ka pong bunot." I smiled sweetly. Lumukot ang mukha niya sa sinabi ko. Go on, insulto pala. Kung hindi niya ako tatanggalin, might as well sagarin ko na rin ang pasensiya niya. Now we're even. "The f*****g what?" Napatayo siya sa pagkayamot. "What did you f*****g say about my hair?!" Halos matawa ako. There's nothing wrong with his hair. Gwapo naman talaga si Sir August, hindi ko maikakaila. Pero kailangan ko lang siyang insultuhin. Because that's the only way to pissed him off. "Yung buhok mo, sabi ko. Mukhang basahan. Saan ka ba galing, Sir?" I supressed myself from laughing dahil baka mapatay ako ni Sir August. "f*****g repeat it again, Miss Altamirano!" Dumagundong ang boses niya. Medyo natakot ako dahil sa galit niyang boses pero kumalma naman ako. I never thought, may ganitong side si Sir August. "Wala po, Sir. Ang gwapo niyo po." I smiled bago ako umalis sa opisina niya. I swear, narinig kong may itinapon siyang gamit pagkalabas ko. I almost laughed at that. Kung hindi niya ako sesesantihin, edi magtiis siya sa ugali ko. I don't accept defeat. Not Kleya Altamirano. Hindi na ako nagtataka sa trabaho ko sa nakaraang araw. Sobrang kapal ng files na aayusin. Ang bwisit na August, gumaganti! Kinuha pa niya yata ang ibang files na hindi naman scope ng trabaho ko pero heto ipapagawa niya sa akin. Pero sino nga ba ako para magreklamo? Hindi naman ako nagpapatalo. I won't let him insult me again. Dahil sa maraming trabaho ay halos hindi na ako naglunch break. Kumain lang ako for 15 minutes dahil nangangalahati pa lang ako sa ginagawa. Kung pwede ko lang talagang murahin 'yang August na 'yan eh nagawa ko na! "Di ka ba magmemeryenda, Kleya? Napag-initan ka na naman yata ni Sir ah?" Miss Cassiopeia asked me. Tinapunan ko siya ng tingin. May dala siyang pagkain sa mesa ko. Napakabait talaga ni Miss Cassiopeia. Love na love ako! Sana all! "Oo nga. Napag-initan nga ako." Nakangisi kong sabi. Thinking that I made his blood boil, napapangiti ako at naiinspire na tapusin ang ginagawa. And by 8pm, I am done! Lumagpas ako ng apat na oras sa out ko but it's okay. I was fixing my things ng walang pasabing pumasok si Sir August sa opisina ko dala ang makapal na files. Wow, ang effort na pahirapan ako ah? "This is due tomorrow." May inilagay na files si August sa desk ko. Makapal iyon pero hindi naman gaano. Ang gago talagang 'to! "You really think tapos ka na sa trabaho mo?" His eyebrows furrowed. I smiled at him. "Okay po. Ilagay mo na lang dyan, Sir. I'll be finishing that tomorrow." I smiled at him. That pissed him off. Kita ko kasing kumuyom ang kamao niya. "Eto naman si Sir, highblood agad e. Bukas na kasi overtime na po eh. Sige ka Sir, report na kita sa DOLE niyan." Nakangisi kong sabi. "Until when are you going to stop acting like this?" He seriously asked. Until paalisin mo ako sa trabaho, August. "What Sir? You told me po na hindi niyo gusto ang ugali ko. So heto, sweet na po ako. Tsaka kamukha mo po kasi yung boyfriend ko eh.."I even winked at him and swear, pigil na pigil ko ang sarilin huwag tumawa! "f*****g crazy." I heard he murmured. "If you don't apologize for that attitude, you won't like it Kleya. I'm doing my best to control my anger." He said seriously. Bakit anong gagawin mo sa akin? Prank? Seriously, may time ka pa ba para doon? "Get mad at me, Sir. That's what you're good at. And this is my expertise." I told him. Kita kong nandilim ang aura niya. Uh-oh, I'm afraid. I have to admit but I'm never entertained like this in my 24 years of existence. "I told you you won't like it, Kleya." He repeated. Seryoso na siya this time. I smiled at him bago ko isinakbit ang bag ko sa balikat. Lumapit ako sa kanya, close enough to hear my voice. "I think I will, Sir."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD