Chapter 6

2461 Words
"Anak, may problema tayo! May pumunta ditong abogado at sinabing iilitin ang lupa natin!" Nagising ako kinaumagahan sa tawag ng Nanay ko. Kahit masakit ang mata ko sa biglaang pagkagising, pinilit kong bumangon para mag-asikaso. "Po? Sinong abogado?!" "Hindi ko alam anak e. Babalik daw kinabukasan dahil sa isang company daw nakapangalan ang titulo!" Seeing my mother hysterical like that made me angry and anxious at the same time. Hindi nga nagbibiro si August sa sinabi niya noong isang araw. Kukunin niya talaga ang lupa namin. Wala na akong inaksayang oras at nagdiretso na ako sa condo unit ni August. Hindi ko tinigilan ang doorbell hanggat walang nagbubukas noon. "f**k, ang ingay!" Grumpy August finally opened the door. Agad akong pumasok sa unit niya sa takot na hindi niya ako papasukin. "What the hell, Kleya!" Sigaw niya. "August naman. I mean, Sir." Mahinahon ako ngayon at balisa. Hindi ko naman inakala na talagang totohanin niya iyong banta niya nung inasar ko siyang bakla e. I know hindi siya ganoon kababa. "Bakit naman ganun Sir? Kukunin mo talaga ang lupa namin?" Naiiyak kong sabi. "I don't care. Leave." Malamig niyang sabi. Tatalikuran na niya sana ako pero nahawakan ko ang braso niya. Napatigil siya sa ginawa ko. "Sorry na.." Mahinahon kong sabi. Inalis niya ang braso ko at nilingon ako. "You disturbed my sleep, alam mo ba 'yon? Leave. I'm tired." He said. Seryoso at suplado pa rin. Iniwan niya ako doon sa pag-aakalang aalis na ako. Pumasok na siya sa kwarto pero nananatili akong nakatayo doon. Kailangan kong umisip ng paraan para maconvince siya. Nilibot ko ang kanyang unit. Malinis na malinis ang buong unit at tila walang alikabok na makikita doon. Napasimangot ako. Neat freak. Halatang malinis si August sa lahat ng aspeto. Bumalik ako sa unit at umupo sa sofa. Hindi ako pwedeng umalis dito hanggat walang paraan kung paano kukumbinsihin si August. "Bakit hindi ka pa umaalis?" August went out. Nakaligo na ito at hindi ko maiwasang titigan siya. Puting V-neck shirt lang at jogging pants lang ang suot niya pero parang modelo talaga siya doon. Napatikhim na lang ako. "Uhmm.. I'm really sorry if I crossed the line. Hindi mo ba tatanggapin ang sorry ko? Lupa kasi ng Tatay ko 'yun. Iyon na lang ang naiwan sa amin ni Nanay. I mean, pwede mo naman akong parusahan in any way e. Pero ayoko lang makita na malungkot ang nanay ko." Paliwanag ko. "I remembered giving you to chances. You provoked me last time. Is that my problem?" May punto siya doon pero hindi ko pa rin matanggap. Kasalanan niya iyon dahil masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya! "Kahit ano, gagawin ko! I'll behave na rin po, Sir!" Sabi ko in a positive tone. He just chuckled sarcastically. "Tsaka Sir, I'll do errands for you po, promise." Wala na naman akong choice eh. Hindi ko kayang makita ang nanay ko na malungkot dahil sa lupa namin. "Not gonna changed my mind." He said bago umupo sa sofa kaharap ko. Napabuntong-hininga ako. Kahit idemanda ko si August, mag-aaksaya lamang ako ng panahon at pera. Bukod doon, hindi ko siya makumbinsi. Dahil doon, wala na akong ibang alam na paraan kundi ang isang kanina ko pang iniisip. Ang reverse psychology. "Kung ganoon, wala na akong magagawa. I'll explain it to my mother na lang na hindi sa amin nakapangalan ang totoong titulo ng lupa." "Good. Now you have nowhere to go." Nakangisi niyang sabi. "Actually, meron. Sir Luke asked me last time if I can work for him. I bet hindi naman ganoon kababa ang magiging salary ko. Close din naman kami ni Sir. I bet years would take me to get another land pero I think it's worth it." Paliwanag ko. I'm really bright for thinking this pero I'm not sure kung kakagat si August. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya na tila naapektuhan sa sinabi ko. May ibinubulong siya pero hindi ko na iyon narinig. "Besides if hindi ako pupunta kay Sir Luke, may mga kaibigan ako na nasa America. I could work there..with my mother." Malungkot kong sabi. "What.." Hindi maapuhap ni August ang sasabihin. "So are you saying you are going to give up your parent's land just like that?" Oops. Kumakagat na talaga siya sa bitag. Screw me if it turns the other way around. "Yes po, Sir. If I sue you, it will cost me the expenses for lawsuit. Plus, I know you'll fire me na rin so it's better to give you the land and then work to someone-- "No, you can't!" Sigaw niya. Napanganga ako sa sigaw niya. "Hindi pwede! Not gonna happen!" I think nangyayari na ang gusto kong mangyari. "Come to think of it, Sir. Wala na ako sa opisina niyo. Diba po sabi niyo, ayaw niyo sa akin?" "I never said that. I just said, I don't like your personality." "Ganun na rin 'yun, Sir. Sige po, Sir. Tatawagan ko na lang si Luke-- "I said no! Don't even f*****g dare! I won't mess with the land. Just do your job!" He said. He was a bit restless and mad. Mukhang naapektuhan siya. At bakit naman? Ang alam ko ayaw na rin naman siya sa akin? Hating my personality is the same as hating me as a person. "I can't find someone as good as you. And you have your punishment as my personal assistant so don't even dare find another job without my permission." Sabi niya. Napangisi naman ako. "Eto naman si Sir. Dati mo pa sana akong binigyan ng compliment!" Natatawa akong sabi. At least I'm assured that the land is already safe. Kailangan ko na lang magbehave para hindi na ulit magalit si August. "Since andito na rin naman ako Sir. Ano pong gusto niyong kainin? I'll order po since I am your personal assistant today." Nakangiti kong sabi. "I'm not hungry.." Napatango ako. "Ganun? O sige Sir. Uuna na po ako kung wala ka ng ipapagawa. Salamat po ng marami!" I smiled at him na nakatitig lang sa akin bago ako tumalikod. "You should clean my unit." He said. Napalingon ako sa kanya. "Pero malinis na po ang unit niyo.." "Not that clean. At dito ka na muna, I have some business matters to discuss with you." He said. Wala na akong nagawa dahil sa utos niya. Nag-insist siya na kumain kami kaya pumayag ako. Nag-order kami ng pagkain sa online restaurant. I wonder if August has a talent when it comes to cooking. Pakiramdam ko ay wala siyang talento. Sadyang lang ipinanganak amg lalaking ito para magmana ng malaking kompanya. "Thank you sa pagkain." Nakangiti kong sabi sa kanya nang kaharap ko na siyang kumakain. Sinulyapan na lang niya ako at bumalik sa pagkain. Tsk. Suplado. I am always striking for a conversation pero tahimik lang siya most of the time. Halos parang wala akong kasabay kumain. "Huy, Sir. Ayaw mo ba akong kausap? Ang sad naman." Malungkot kong sabi. "Do you know manners? I really don't like it when I'm talking while eating." Iritado niyang sabi. "Paano 'yun? Di ako sanay na walang kausap kapag kumakain." Sagot ko naman. Umiiling-iling siya na halatang naiirita na sa kadaldalan ko. "Why are you so talkative? Hindi ba napapagod 'yang bibig mo kakasalita?" He shut me up kaya nagtaas ako ng kilay. Okay, kalma. Patience, Kleya. Patience. "Ehh ikaw? Di ka po nangangalay kapag laging nakasarado ang bibig mo? Ang tahimik mo lagi e." Matamis kong tugon. He just shrugged while continuing his food. The whole time, nagkkwento lang ako samantalang siya ay tahimik na kumakain. I know he's listening pero pinapakita niyang hindi siya interesado sa sinasabi ko. "H-Have you ever dated someone?" He suddenly asked. Nangalay na ang panga ko kakadaldal kaya nanahimik din ako sandali. "Hmmm.. Yes. Mga tatlo. Pero hindi nagtagal." Okay. Why is he curious about my lovelife? "Why?" "Uhh.. I fell out of love. Mabilis akong magsawa, I guess?" Sagot ko. "Oh, that's why you got over your ex who looked like me?" He asked. Ahhh kaya pala siya curious. Kasi gawa nung encounter namin last time. "Ahhh, ang totoo kasi poser lang siya. Meaning, he's just using your pictures pero hindi ko talaga kilala who's behind those pictures." I answered. "You mean, na-inlove ka without meeting in person?" "Yes." Sagot ko. "That's ridiculous." Namamangha niyang sabi. "Yeah, ridiculous. But what's good is I'm done with relationships na." I said. "What you mean done?" Oh, lumalabas ang madaldal na August. "Meaning, I don't think I'll commit again. Like, mamamatay akong single ganun." "How could you say that?" He asked. "Well, nagustuhan ko na mapag-isa. Once you are committed, you'll feel all sorts of emotions and I think.. It will make you very pathetic. Kaya napagpasyahan ko na lang maging single." Sagot ko. Malalim siyang nag-isip pero he just shrugged. "Okay. Got it. Now after we eat, we have some business matters to talk about." Sabi niya. Tango lang ang isinagot ko. Napagod ako sa ginawang usapan namin ni August. He's really workaholic. We worked in his room and tinutulungan ko lang siya sa ginagawa. Nags-suggest lang ako ng mga pwedeng ideas at nagkakasundo naman kami. Napansin ko na ganoon lang talaga ang ugali ni August. He's a tough guy. Masungit at talagang may attitude but he's really professional when it comes to work. No wonder, nasa magandang kalagayang ang kompanya niya. "Sorry if you worked late today. I'll have your salary increased by the end of the month. Keep up the good work." He just said. Natuwa naman ako. Afterall, masama lang ang impression namin because of the timing and first encounter, but I can tell he's a good person. "Thank you, August." I said. Tatalikod na sana siya sa akin. "Why are you calling me on first name basis?" Nagtataka niyang tanong. "Ahhh, I just felt you're too young to be called Sir. And I think, magka-age lang tayo-- Sir." Hindi na ako nakaexplain dahil masamang titig ang ibinigay niya sa akin. Binabawi ko na ang sinabi ko na mabuti siyang tao. Tsk. Nag-taxi na lang ako pauwi dahil hindi naman ganoon ka-gentleman si August para ihatid ako pauwi. Naghihintay sa labas ng unit ko si Box kaya halos yakapin ko siya pagkakita ko sa kanya. "Bakla ka! Bakit ngayon ka lang umuwi!" He shouted at me. May mga dala siyang groceries. Hindi ko naman in-expect na bibisita siya ngayon. "Bakit hindi ka nagsabi na bibisita ka pala! Edi sana maaga akong umuwi!" Natatawa kong sabi habang binubuksan ang pintuan. "Eh saan ka ba kasi nagpunta! Sabado ngayon, ateng! Wala kang work!" He shouted again at me. Talagang ang baklang 'to! "Sa boss ko. Duh?" "Huh? Anong sa boss mo? Gaga! Nakipag-ano ka sa boss mo?" Histerikal niyang sabi. Natawa ako ng malakas. "Gaga ka talaga. Hindi. Nagwork ako kasi may mga pinag-usapan lang kami about business." Pumasok na kami sa loob. Ipinatong naman ni Box ang pagkain sa mesa at saka humilata sa sofa. "Oh, dumayo talaga ako dito para makipagchismisan sa'yo. Kumusta na kayo ng sss jowa mo?" He said. Doon na ako magsimulang magkwento sa kanya simula doon sa encounter namin ni August hanggang sa ngayon. Nanlalaki ang mata ni Box dahil sa ikinuwento ko, tila hindi makapaniwala. "So ang ibig mong sabihin, 'yung nasa picture mo na ipinapakita mo sa akin e boss mo 'yun?" "Oo nga!" Humalakhak si Box sa sagot ko. "Ayan, bakla ka! Sabi ko naman sa'yong poser iyon! Hahaha! Nakakahiya ka! Mukha ka sigurong baliw noon? Akala mo sinurprise ka niya? Hahahaha! Gaga ka! Buti hindi ka nasisante!" Tawa ng tawa ang walanghiya at ako naman nakasimangot lamang doon. "Tapos na 'yun te!" Naiirita kong tanong sa kanya. "Sinong mag-aakala na boss mo pala 'yung picture na ginagamit ng poser na 'yun! Wag ka na lang magboyfriend kung hindi sa personal! Ayan napapala mo! Ayaw mo pa maniwala sa akin!" Puro sermon ang inabot ko kay Box at asar na asar naman ako dahil ayaw niya akong tigilan sa kakadaldal. "Hindi na talaga! Ang sama ng ugali nung boss ko eh. Nakakaloka. Gusto ko na nga magresign eh tapos pumunta na lang sa Canada. Sa tingin mo?" "Taray mo namang magresign. Kailangan may pagpunta sa Canada?" Balak ko iyon dati pa. Ang manirahan sa ibang bansa once na makakuha ng maayos na trabaho. Hindi naman sa ayaw ko dito sa Pinas. Pangarap ko lang talaga iyon. Kumukuha lang kasi ako ng experience dito bago ako pumunta sa ibang bansa. Hindi ko na sinagot si Box dahil sa kakulitan niya. Inaya ko na lang siyang kumain at uminom para tigilan na niya ako sa panenermon. Monday again and pagod na pagod ako sa dami ng ginawa ko. Halos mairita na ako kanina dahil maraming mali ang reports na ipinasa sa akin ng isang empleyado kaya patuloy ako sa pagmamando sa kanya kung ano ang dapat gawin. Bukod sa inuutusan ako ni August, sumasakit ang ulo ko dahil hindi ako pwedeng manigaw dahil alam kong hindi iyon maganda sa working environment ng mga empleyado kahit nasa mataas ang posisyon ko. Naglalakad na ako papunta sa subdivision nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Malakas ang pakiramdam ko kaya naging alerto ako. Inilabas ko ang pepper spray na nasa bag dahil baka may masamang loob na sumusubaybay sa akin. Mahirap na ang panahon ngayon. "Akin na ang bag mo, Miss." Hindi na ako nakapalag dahil may matulis na tumusok sa may leeg ko. Nandito pa naman kami sa madilim na bahagi ng subdivision kaya hindi ko alam kung tama bang magsisigaw ako para humingi ng tulong. "T-Teka lang, Kuya-- "Puta, sabing akin na ang bag mo eh!" Dumidiin ang hawak niya sa matulis at nararamdaman kong humahapdi na ang leeg ko. s**t! Binigay ko na ang bag sa lalaki at halos manlambot ako nang magtatakbo ito palayo sa akin. Nanlambot ang tuhod ko pagkatapos ng insidenteng iyon. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi basta ang ginawa ko, ikinandado ko ang lahat ng pintuan at bintana. Nangangatog pa rin ako sa takot na balikan ako ng lalaking kumuha ng bag ko. Sunod na sunod na tunog ng door bell ang narinig ko. Nanghilakbot ako sa narinig. Teka, babalikan ba ako ng lalaki? Ilang sandali pa ay kinalampag na nito ang pintuan na lalong ikinatakot ko! "Kleya, are you there? Open the door!" Nabuhayan ako ng loob sa narinig. Kahit takot, nagmamadali akong pumunta sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok. "f**k, why are you not answering my phone calls? Hindi ba't sinabi kong sasagutin mo agad ang phone-- Hindi ko na siya hinintay matapos dahil niyakap ko siya ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD