"You f*****g what?" Iritadong sabi ni August sa akin pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari. Nakakunot ang noo nito sa akin at hindi makapaniwala sa ikinuwento ko. Mabuti na lang at kumalma na ako dahil sa presensiya ni August. "Nanakawan ako. Kinuha niya ang bag ko. Nandoon ang phone ko kaya di ko nasagot ang tawag mo. Sorry na.." Paliwanag ko. He's lost for words. Mukhang nagsisi siya sa pagsisigaw sa akin kanina. "Bakit hindi ka man lang humingi ng tulong sa neighbors?! Did you know my landline na nakainstall dito! You should've called the security!" Natatawa ako sa paraan niya ng pagsasalita. Alam mo iyong tagalog niya na matatas pero parang halatang sosyalero pa rin dahil sa pagi-ingles. "Natakot kasi ako na balikan ako. Syempre, hindi na malinaw ang utak ko kasi takot na

