Peaceful. Serene. Tranquil. Iyon ang mailalarawan ko sa pagkakataong ito. August was hugging me while we're under his blanket. Nakadantay ang hita niya sa hita ko at sadyang mahigpit ang pagkakayakap sa akin. Tanging paghinga lang namin ang naririnig at mahinang tunog ng air-conditioning sa kwarto. "I almost forgot this feeling.." he whispered. "Akala ko ay hindi ko na ito mararanasan ulit.." "Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong ko. "I'm lonely for years, Kleya. This really feels like a dream.." mahinahon niyang tugon. "Hmm.. dahil ba iyan kay Yle?" I asked. He sighed heavily. Bumalikwas siya at saka tumingin sa kisame. "If you're asking about Yle, well.. I went immediately abroad to search for her." he said. "Noong araw na nagpakamatay siya, walang araw na hindi ko sinisi ang sarili

