"Kainin mo na 'to," August said seriously while offering me a plate of sliced apple. Sinimangutan ko lamang siya bago ako umiling. "You need to eat so you can recover, Kleya," giit niya. Nakasimangot na siya at iritado. Noong isang linggo pa siyang hindi mapalagay dahil sa nangyari sa akin. Nang magising ako ay nasa hospital na ako. Ang huli kong naaalala ay kausap ko si Leidner.. at siya ang dahilan kung bakit ako nasa hospital. Masakit pa rin ang tagiliran ko at marami ang nawalang dugo sa akin. Mabuti na lamang at may nakakita sa akin sa alley at dinala ako sa hospital. "Gagaling ako, August. Wag kang masyadong mag-alala. Sinisisi mo na naman ang sarili mo. This is just an unfortunate incident," saad ko. "To hell with that! Kung inihatid lang sana kita, edi sana hindi nangyari iyan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


