It was Sunday. Hindi na ako natulog dahil tinapos ko na ang gawain na iniwan ni August. Naawa ako sa kanya kaya ako na lamang ang tumapos ng lahat ng ginagawa niya. Hindi na rin naman niya kakayanin ang magtrabaho dahil hindi maayos ang pakiramdam niya. I checked the clock and it is quarter to 6am. Nilingon ko si August na nakaharap sa may banda ko. Yakap nito ang isa sa unan ko at mahimbing na natutulog. Kinapa ko ang noo nito at napahinga ng maluwag nang maramdaman kong hindi na siya gaanong maiinit. Gaano ba siya kaworkaholic at pati sarili niya ay napapabayaan na niya? He moved a little kaya inalis ko na ang kamay ko. He's sleeping peacefully. Pakiramdam ko ay sadyang nakapagpahinga siya ng maayos ngayon. Sa kanya na rin naman nanggaling na hindi siya nakakatulog kaagad. It's jus

