"Kleya, August wants to break up with me." Amary sadly said. Inimbita niya ako sa isang coffee shop kaya nagpaunlak naman ako. Akala ko normal na invitation lang pero nakakagulat na marinig ang ganitong balita mula sa kanya. "T-Talaga? Bakit daw siya nakikipaghiwalay?" I asked her. Naestatwa ako sa narinig. "I don't know. Noong nakaraan, he's very distant. He said, he needed some time so I gave him. Pero noong nakipag-usap ako sa kanya, he just want to end our relationship." Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Amary. Malinaw sa akin na mahal niya nga si August. Her love for him was pure and unconditional. Noon, nakikita kong bagay silang dalawa para sa isa't isa. It is very sad to witness something like this. "Anong ginawa mo, Amary? Pumayag ka?" Suddenly, she cried in front

