"I Wasn't Looking For Anything at All When I Met You. Actually, I Wasn't Planning On Falling For Anyone So Soon." . . ............ ............ ............. ............ . . "[I'm driving, i'll call you later.]" Ilang mga katagang nagpatigil sa mga sasabihin sana niya at bigla din naputol ang linya. Wala na siyang nagawa kung hindi kalmahin ang sarili. Ni hindi nito nasabi kung nasaan na ito at kung saan ito patungo. Kaya hindi pa rin siya mapalangay hanggang hindi niya nalalaman kung saan na ang dalaga at kung nasa ayus na kalagayan ba ito. Malayo pa lang napakunot noo na siya ng matanaw niya ang mga kalalakihan nakatalongko ng upo sa harap ng mataas nilang gate. Ipinagtataka niya kung bakit nasa labas ang mga ito. Ano ang ginagawa ng mga ito at sino ang hinihintay n

