"The hardest battle is between what you know in your Head and what you feel in your Heart." . . .......... .......... .......... .......... . . Hindi ko namalayan ang oras sa dami ng trabaho ko. Kung hindi pa tinanong ni Pia kung anong gusto kung kainin para sa lunch hindi ko pa malalaman ala dos y media na pala. Pasandal ko nalang inunat ang likod ko sa likoran ng swivel chair ko. Ipinikit ko ang mga mata at hinilot ang sintido, ni hindi ako nakaramdam ng gutom. Kape at isang sandwich lang kinain ko kaninang umaga. "Hey! What happened? Are you alright? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod na tanong ng isang baritonong boses na nagpamulat sa aking mga mata. Malalaki ang hakbang niyang nilapitan ako at walang sabi-sabing dinama ng likod ng palad niya ang noo at leeg ko mat

