"I May Regret The
Way We Ended,
But I Will Never
Regret What
I Had."
.
.
.
............... ............ ............ .............
.
.
Pinagmamasdan ko ang mga taong naglalakad papalapit sa aking na mukhang masayang nag-uusap, may nagpapahid ng pawis gamit ang lumang t-shirt, may napapaypay din gamit naman ang nangingitim na nilang balanggot. Tuwing hapon dito sila dumidiretso bago magsiuwian sa kani-kanilang tahanan. Simula pa ng isang buwan ayaw na nila akung payagang pumunta sa bukid, baka daw makasama sa kalagayan ko. Buti pa sila nag-aalala sa akin. Maging ang mga kasama ko dito sa villa, alalang-alaala sa kalagayan ko. Lagi silang nasa tabi ko. Isang tao lang ang napalayas ko dito na parang siya ang may-ari ng bahay at hacienda ko. Karelasyon daw niya si Rex na hindi ko naman kilala. Pinagbintangan pa akung mag-aagaw ng boyfriend, kaya ang ending pinalayas ko siya sa lupaing nasasakulan ko sa inis ko sa kanya, maging ang buon pamilya niya.
"Maganda hapon po ma'am." Bungad bati sa akin ng pinaka-matanda. At nag-angat pa ng kanyang sumbrero.
"Kumusta na po kayung lahat?" Ganting bati ko rin. "Marami na ho ba tayung naani?" Tanong ko sa kanila. Dahil first cropping halos na-washout ang aming pananim na mga palay, dahil sa nagdaang bagyo kaya nabuwal ang mga palay na sumisibul palang ang bunga.
Buti nalang 'yun ibang maagang naani.
"Marami na po ma'am. Magaganda po ngayon ang bunga ng palay, hitik po sa bunga ang bawat uhay. Kaya baka marami tayung aanihin ngayon. Huwag lang pong babagyo ulit." saad ng isang may ngiti sa labi.
Nang una akung dumating dito meneting ko silang lahat, at inaral ang bawat prodoktong pwedeng pagkakitaan. Dahil ayun sa kanila matagal na daw hindi natatamnan ng kahit anung halaman ang mga lupa. Kaya nakatiwang-wang halos lahat, at hirap din sila sa ikinabubuhay nila. Kaya una kung inaral kung paano magiging mataba ang lupa bago taniman. Napabayan na daw ng dating may-ari. Kaya tigas nilang pakiusap sakin nuon na huwag ko silang paalisin. Hirap din ako nuon kung paano mag-uumpisa. Idagdag pa ang kalagayan ko. Buti nalang at hindi ako masyadong pinahirap ng aking anak saking sinapupunan.
"Pwede na ba tayung mag-spray ng mangga bukas?" Tanong ko sa kanila dahil maganda na rin ang mga sanga nito.
"Pwede na ma'am magpabili na kayo ng mga gamot na gagamitin natin." Sabad naman ng isa.
Ganito kami araw-araw nagpupunta sila dito para mag-report. O kaya mag-suggest ng mga dapat gawin para sa mga produkto naming mga pananim. May mga baka din kaming galing pa sa Australia na bini-breeds. May mga kabayo rin kaming tine-trained, at tulad ng baka nagbi-breeds din kami ng mga kabayong, Thoroughbred, Dutch Warmblood, at Friesian. Kaya may mga tao akung naka-assign para sa mga ito. Parating na rin ang ibang mga in-order kung mga baka. Kailangan ko pang makahanap ng market para sa mga cacao namin dahil malapit na daw anihin ang mga 'yun.
Lahat ng pwede namin itanim na pwede kaming kumita at angkop sa lupa, sinusubukan namin at pinag-aaralan kung mabuti. Ilan araw na lang manganganak na ako at magsisimula na ako sa mga plano ko, hihintaying ko lang ang pagbaba ng annulment namin.
Malapit ng mag-krus ang landas natin Hammer Thompson. Babawiin ko ang lahat ng pag-aari ko. Bulong ko, pero bigla kung natutop ang aking tiyan at napangiwin sa sakit dahil gumalaw ang baby saking sinapupunan. Mukhang hindi siya pabor sa mga nais kung gawin laban sa kanyang ama. "Baby para din sayo ito." usal ko at banayad na hinagod-hagod ang aking tiyan. Marami naman paraan para makipag-communicate kahit kanino through internet kahit mahina ang signal dito kung minsan. Lahat nagagawan ko ng paraan, lalo ngayon mag-isa akung nakikibaka sa buhay.
"It's a healthy bouncing baby boy." anunsyo ng Doctor.
Hindi ko mapigilan hindi maluha ng makita ko ang aking baby, kahit masakit na masakit pa ang aking katawan. Hinawakan ng doctor ang dalawang paa nito at itinuwad sabay tapik sa puwet nito at sinundan pa ng isa, sunod-sunod naman malakas na pag-uha ang pinakawalan nito. Kaya lalo akung napaiyak sa hindi ko malaman kung anung mararamdaman lalo ng ipatong niya sa aking dibdib ang aking anak. Nanginginig ang aking mga kamay na magaang humaplos sa ulo niya na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi ko alam kung sino ang kamukha niya kung ako ba o ang kanyang ama.
Masaya kaming sinalubong ng mga tauhan ko sa villa pagbaba palang namin ng sasakyan. Maging ang mga trabahante naghahabaan ang kanilang leeg sa pagtanaw sa akin, marahil gusto nilang makita ang aking anak. Kaya tumayo ako sa gitnang bahagi ng terrace at kinuha ang aking anak sa braso ni Nanang. Ihinarap ko ang aking anak sa kanila.
"This is Ajax Hendrix de Marco my son. Gusto kung iresperto niyo siya tulad ng pagrespeto niyo sakin dahil siya ang may pag-aari ng lupang kinatatayuan niyo ngayon." Malakas kung wika.
"Maligayang pagdating Senyorito Ajax Hendrix." Hiyawan nila na may kasamang mga palakpak. Dinig kung umingit ang aking anak at nag-inat pa siya. Pero tuloy din ang tulog na parang walang pakiaalam sa kapaligiran. "Suplado. Mana sa ama." Bulong ko sa kanya na alam kung hindi naman ako nadidinig sa himbing ng pakakatulog.
"Ang guwapo ni Senyorito Ajax mukhang mana sa ama.
"Oo, nga mukhang lugi si Madam, walang kinuha sa kanya."
"Ang cute niya. Parang ang sarang panggigilan."
"Naku! Maraming paluluhaing dalaga yan. Ang pogi." Mga bulong-bulongang aking narinig mula sa mga tauhan ko.
Isang buwan na ang lumipas mula ng manganak ako kaya nakakalibut na ako sa sakahan at manggahan. Hindi nga lang ako pwedeng magtagal dahil nagbe-breast feed ako sa baby ko. Siguro after three months gagamitan ko na siya ng formula milk para kahit maghapon ako mawala sa tabi niya hindi siya magugutom. Kailangan ko rin kumilos na ngayon para maging malaya na akung magagawa ang lahat. Kukunin ko na ang sa akin.
.
........................
.
Simula ng iwan ako ng aking asawa, dalawang tao na ang nakalilipas. Sa trabaho ko nalang ginugugol halos lahat ng oras ko. Ito lang ang tanging paraan ko para hindi ko siya maisip. Ilan beses ko na siyang pinahanap sa magagaling na mga imbistegador pero ni anino niya walang makapagsabi kung nasaan ito. Hanggang pinahinto ko na ang paghahanap at pinagbuti nalang ang trabaho ko. Minsan dito na rin ako natutulog sa opisina dahil naririndi na ako sa pagbubunganga ni Lavena na puro luho lang alam. At kung sa bahay naman ako uuwi sa dating kwarto ng asawa ko ako natutulog yakap ang lumang unan at kumot niya, minsan maging damit niya katabi ko din matulog. Ni minsan hindi ko naranasan matulog katabi siya, kahit sa pagkain hindi ko siya nakasabay. Ngayon labis-labis ang panghihinayan at pagsisi ko sa mga panahon sinayang ko, mga araw na alam kung kasumpa-sumpa para sa kanya.
Huli na ang lahat. Natatakot akung hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan o madurogtungan pa ito ng isang magandang simula. Talagang ang pagsisisi nasa bandang huli. Hindi rin ako pwedeng magpakita sa mga pamilya namin hanggang hindi ko siya nakikita. Pero ipinapangako ko sa aking sariling magbabago ako pagbumalik siya sakin. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano paalisin si Lavena sa buhay ko. Kasalanan kung lahat ng ito, kung hindi ko lang siya pinarusahan hindi sana ganito ang buhay namin. Siguro malalaki na ang mga anak namin ngayon. Hindi ko rin naman kayang maging masaya sa piling ng babaeng lihim kung minahal kung ang aking kapatid naghihirap. Hindi ko naman kasalanan kung sa iisang babae lang tumibok ang aming puso, nagparaya ako at umiwas para sa kapatid ko pero ako ang piniling ipakasal sa kanya.
Umuuwi lang ako sa bahay namin, dahil gusto kung ako ang personal na mag-alaga ng mga halaman niya. Sa ngayon madami na rin ito, pero hindi pa rin tulad ng andito siya. Malulusog at malalago ang mga ito nuong siya ang nag-aalaga.
"Babe kailangan kung mag-shopping ngayon samahan mo naman ako." Paglalambing niya sa akin at niyakap pa niya ako saking likuran. Kung hindi ako kasama hindi siya makabibili ng mamahaling gamit na gusto niya.
"Hindi ba last week ka lang nag-shopping?" Naiirita kung tugon sa kanya dahil puro nalang pag-gastus ang alam niyang gawin.
"Birthday kasi ng friend ko sa isang araw wala akung isusuot na damit." aniya.
"Marami ka pa namang damit d'yang hindi nagagamit 'yun nalang soutin mo muna." angil ko na at iniwan na siya. Lagi nalang siyang ganyan walang habas sa pag-gasta. Kabaliktaran siya ng aking asawa. Dinig kung nagdadabog siya pero hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa dating kwarto ng asawa ko. Kahit nalulungkot ako pagpumapasok ako dito, pakiramdam ko pa rin na parang kasama ko siya dito. Hanggang kailan ba ako maghihintay sa kanya? Mga katanungan lagi kung sinasambit sa akin isipan na hanggang ngayon wala pa rin kasagutan.
"Hindi po talaga kayo pwedeng pumasok kung wala kayung schedule appointment." Malakas na asik ng secretary ko ang nadinig ko, kasabay ng pagbukas ng pinto ng opisina ko. Kita ko namang pinipigilan niya ang isang lalaking naka-barong na parang a-attend ng kasalan, kaya itinaas ko ang aking kamay para patigilin siya at hayaan na ang taong makapasok.
"Good morning!" Bati niya habang naglalakad siyang papalapit sa akin. Kaya pinanliitan ko siya ng mata. "Mr. Hammer Thompson, pasensiya na kung nagpilit akung pumasok. Hindi naman ako magtatagal ilang minuto lang ang nanakawin ko sa iyong oras, may gusto lang akung ipa-receive sayo ng personal." Aniya at ibinaba niya ang attache case niya sa ibabaw ng aking mesa na may pagmamadali.
"Ano ba yan? Mukhang masyado yatang importante at hindi mo nalang ibinigay sa aking secretary." Aniko at pahinamad na sumandal sa likod ng aking swivel chair.
"Talagang importante ito, at gusto ng kliyente ko ako mismo ang mag-aabot nito sayo." aniyang, may ikinadkad siyang isang puting papel."Paki pirma nalang dito sa ibabaw ng pangalan mo." Utos niya sakin sabay abot din ng ball pen at isang papel na hindi ko na pinag-aksayahan basahin kung kanino galing. May ibinigay din siya kulay brown na rectangular na envelope na may pangalan ko sa ibabaw. "Aalis na ako. Salamat sa abala. Anyway, I'm Atty. Arturo Sebastian." Dagdag niya matapos niya nailagay ulit sa attache case ang mga gamit niya. Tumalikod na siya sakin at nagmamadali rin naglakad palabas ng aking opisina. "Thank you. Have a good day Mr. Thompson." huling saad niya bago sinara ang pinto.
Pinasadahan ko ng tingin ang envelope sa ibabaw ng aking mesa, na iniwan niya pero bigla akung nakadama ng malakas na kabog ng aking dibdib ng makita kung saan galing ang envelope. Hinawakan ko ito at maingat na binuksan. Nangmakita ko at mabasa ang nilalaman nito para akung binuhusan ng malamig na tubig. Agad din nanginig ang aking mga kamay, kaya nabitawan ko ang mga papel. Halos hindi ko mahawakan ang mga ito dahil nanghihina maging ang aking mga tuhod. Nagsisikip din ang aking dibdib na parang pinipiga at pinag-sasaksak ng maliit na mga karayum ang aking puso.
Tinatagan ko ang aking loob at sinurin mabuti kung totoo ba ang aking nakikita at nababasa. Totoong pirma ko ang nakatala sa mga dokumento. Pero paanong mangyari ito? Kaya uminit ang palibut ng aking mga mata at nanubig ito. Sumandal ako saking upuan at itinaas ang aking mukha upang pigilin ang aking mga luha pero mas lalo pa itong nag-unahan umagus sa aking sintido. Hindi ko mapigil na mapahagulgol dahil hindi ko kayang tanggapin na natapos na ang lahat. Ang inaasahan kung magandang buhay sa hinaharap wala na. Wala na siya, hinding-hindi na siya magiging akin. Umasa pa naman akung isang araw uuwi siya sa bahay namin. Nagsawa na ba sa pagtibok ang puso niya para sakin. Akala ko pag-tapat at wagas ang pag-mamahal ng isang tao, hindi ito kukupas magpakailanman. Tulad ng pagmamahal ko sa kanya na kinimkim ko ng mahabang panahon dito saking puso, na kahit kailan hindi ko naipahayag ang ilalaman nito para sa kanya. Tanging pangalan lang niya ang nakaukit dito hanggang sa huling hibla ng aking hininga.
Mananatili nalang lihim ang damdamin ko para sa kanya. Siya lang ang nag-iisang babaing minahal ko simula palang ng bata kami. Pero masyadong kumplekado dahil ang pinakamamahal kong kapatid ang aking karibal. Minahal namin siya, ng aking nag-iisang kapatid.
Iniwasan kung malapit sa kanya noong college kami dahil hayagan ng sinasabi ng aking kapatid na para lang ito sa kanya. Nagplano akung mangibang bansa nuon pero maiisip ko si Mommy. May sakit siya sa puso, baka pag-alis ko lumisan siya sa mundong ibabaw ng wala ako sa tabi niya. Kung sinunod ko lang ang unang plano ko hindi siguro ganito kasakit ang nadarama ko ngayon. Malaki rin ang pagkakamaling nagawa ko kaya ang balik sakin mas doble pang sakit.
Pagtunog ng aking cellphone ang nagpagulantang sa aking malalim na pag-iisip. At nagtingnan ko kung sino ang caller ID mas lalong sumasal ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Nagdadalawang isip pa ako kung tutugunin ko ba ang tawag niya. Dahil may takot akung nadama sakin dibdib. Ito na ba ang katapusan ng lahat. Ang kabayaran sa lahat ng nagawa at nasabi ko.
.
.
.
.
.........................................................
... please follow my account and
... add my stories in your library.
.............."Lady Lhee"...............
......thankguys.....loveu.......lrs...